Celebrity couples enjoy quarantine period together
Dahil sa ipinatupad na strict home quarantine bilang tugon sa pagpigil ng pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19), nagkaroon ang publiko ng oras para sa kanilang pamilya. Kabilang dito ang mga celebrity na ginamit ang panahon para maglaan ng mas mahabang oras sa kanilang mga karelasyon.
Max Collins at Pancho Magno
Ibinahagi ng newly-wed couple na sina Pancho Magno at Max Collins na dahil sa strict implementation ng enhanced community quarantine, walang choice ang aktor kundi ipaglaba ang kanyang pregnant wife.
Nicole Donesa at Mark Herras
Gaya ng karamihan, para labanan ang boredom during enhanced community quarantine ay gumawa na lang sina Kapuso couple Mark Herras at Nicole Donesa ng TikTok videos.
Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich
Bukod sa pagti-TikTok, abala rin sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao sa vlogging at gaming ngayong nakataas sa Luzon ang enhanced community quarantine.
Glaiza de Castro at David Rainey
Magkasama ngayong enhanced community quarantine period sina Glaiza de Castro at Irish boyfriend niyang si David Rainey sa Baler, Aurora. Cooking while online ang bonding nilang dalawa.
Archie Alemania at Gee Canlas
Simula nang magsimula ang enhanced community quarantine sa Luzon noong March 17, ilang TikTok videos na rin ang na-produce ng mag-asawang sina Archie Alemania at Gee Canlas. Kasama rin sa ibang videos ang baby nilang si Caleb.
Rodjun Cruz at Dianne Medina
Paggawa ng dance covers via TikTok ang bonding ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina habang nasa bahay. Sa panahon din ng enhanced community quarantine nang kumpirmahin ng mag-asawang nagdadalang-tao na ang aktres.
Megan Young at Mikael Daez
Ginamit naman nina Kapuso couple Mikael Daez at Megan Young ang enhanced community quarantine period para makasama ang kanilang pamilya.
Kylie Padilla at Aljur Abrenica
Dahil natigil pansamantala ang trabaho, ngayong enhanced community quarantine period ay magkatuwang sina Kylie Padilla at asawa niyang si Aljur Abrenica sa pag-aalaga ng dalawa nilang adorable baby boys.
Iya Villania at Drew Arellano
Maliban sa pagwo-workout, sinisigurado nina Iya Villania at Drew Arellano na maka-bonding din ang kanilang mga anak na sina Primo at Leon.
Vic Sotto at Pauleen Luna
Ngayong sumasailalim ang Luzon sa enhanced community quarantine, bukod sa pag-aalaga at pakikipaglaro kay baby Talitha, ay madalas ding ipinagdarasal ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang lahat ng Pinoy na apektado ng 2019 coronavirus disease sa bansa. In-upload din nila ang kanilang rosary brigade campaign online.
Jerald Napoles and Kim Molina
Habang naka-enhanced community quarantine, sinimulan nina Jerald Napoles at Kim Molina ang kanilang vlog na #KimJeLockdownSerye.
Rhian Ramos and Amit Borsok
Kasama ni Rhian Ramos ngayon sa kanyang bahay ang kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok. Ang pagluluto at paglalaro ang ilan sa kanilang pinagkakabalahan.
Joyce Pring and Juancho Trivino
Masaya ang newly-weds na sina Joyce Pring at Juancho Trivino na mas nakilala nila ang isa't isa bilang mag-asawa ngayong may enhanced community quarantine.
Gwen Zamora and David Semerad
Sa kanilang Semerad Cabin nagpapalipas ng enhanced community quarantine sina Gwen Zamora at David Semerad. Maliban sa pag-aalaga sa kanilang baby Cooper, abala sila sa pag-asikaso ng kanilang munting tahanan sa Batangas.
Kiray Celis and Stephan Estopia
Sinusulit ni Kiray Celis at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia ang panahon ng enhanced community quarantine sa pamamagitan ng iba't ibang date sa bahay ng aktres.
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Dingdong Dantes and Marian Rivera are making more time for family while in quarantine, but they make sure to sneak in some date nights, too.
LJ Reyes and Paolo Contis
LJ Reyes and Paolo Contis are using their quarantine time to teach baby Summer more skills and bonding with LJ's first born, Aki.