Katrina Halili, may bagong proud mama moment sa anak na si Katie
May bagong proud mama moment si Mommy Dearest actress Katrina Halili sa kaniyang anak na si Katie.
Sa Instagram, nag-post si Katrina ng video ni Katie na nagpe-perform sa isang mall event. Kita rin sa naturang video ang sweetness nilang mag-ina at ang maiksing coaching session ng aktres sa kaniyang anak.
“Katie, you will forever be my superstar. ” caption ni Katrina sa kaniyang post.
Pagpapatulo ng aktres, “I will always be here to support you in everything you're passionate about and all the things that make you happy. I love you, anak.”
Samantala, sa hiwalay na post ay makikita naman ang video ni Katie na inaalayan naman ng isang awitin ang kaniyang mama. Ngunit kapansin-pansin din na medyo madilim ang video na kuha ni Katie.
Pinasalamatan ni Katrina ang kaniyang “myLab” para sa awitin at sinabing, “Kawawa ka naman napundi na ata ilaw sa videoke spot mo, and sira na ang TV mo anak.. hindi na mabasa lyrics ng kanta.”
Kaya naman, pangako ni Katrina sa kaniyang anak sa susunod na sahod ni Nanay Emma, ang karakter niya sa Mommy Dearest, ay bibili sila ng bagong TV.
“iLoveYou..” pagtatapos ni Katrina.
MAS KILALANIN PA ANG ANAK NI KATRINA NA SI KATIE SA GALLERY NA ITO:
Sa comments ay pinuri din ng netizens ang galing at talento ni Katie sa pagkanta.
Komento ng isang netizen, “E2 po tlga ung inaabangan ko n kumanta c katie ganda den ung boses”
“So sweet Katie to your mama. Galing galing namn kumanta nyan,” sabi naman ng isa pang commentor.
Matatandaan na ilang beses na rin ipinamalas ni Katrina ang pagiging proud niya kay Katie, at maging ang kaniyang stage mom moments dito.
Sa pagbisita ni Katrina sa Fast Talk with Boy Abunda noong February 25, ipinahayag din niya kung gaano siya ka-proud sa accomplishments ng kaniyang anak. Kuwento pa niya, dahil may mild autism si Katie, importante sa kanila ang magkaroon ng outlet o activity.
“So, happy ako na meron siyang ibang ginagawa. Like mahilig siya sa music, mahilig siyang kumanta. Sobrang proud ako,” sabi ng aktres.
Panoorin dito: