Yen Durano, nilinaw kung magkasundo ba sila ng amang si DJ Durano
Matatandaang naging emosyonal ang sexy actress na si Yen Durano nang pag-usapan ang kanyang ama na si DJ Durano.
Ayon sa aktres, patuloy ang kaniyang suporta sa ama at ang kandidatura nito bilang mayor. Ngunit inamin din niya na, "Medyo nag-drift (apart) kasi kami ng dad ko over the years kasi may iba siyang family.”
Kasunod nito ay inilarawan ni Yen kung gaano kahirap ang sitwasyong ito para sa kanya, na isang “daddy's girl.”
“I have a hard time answering questions regarding my dad. Pero I feel like with this movie binigay talaga sa akin so I can prove to people… Well, I needed a father figure growing up. He wasn't perfect naman, pero he's a good dad," sabi niya.
Pagkalipas ng ilang araw, nagbigay muli ng pahayag si Yen tungkol sa estado ng relasyon niya sa ama. Sa isang panayam kasama si Aiko Melendez, nilinaw ng Vivamax star na maayos sila ni DJ at supportive ito sa kaniyang karera bilang sexy actress.
"We're okay, we're good," ayok kay Yen. "Okay naman, he's very supportive naman although hindi ako nagpaalam sa kaniya. Pinaalam ko lang sa kaniya na, 'Oo nga pala, dad, ito na 'yung ginagawa ko.' Kaya siya naging ganoon kasi may iba na siyang family ngayon," dagdag pa niya.
Inamin din ng aktres na hindi na sila masyadong close ng kaniyang ama dahil sa pagkakaroon nito ng ibang pamilya.
"So I live with my mom so parang medyo nag-drift (apart) kami and he's aware naman na ganoon ang situation. We used to be super duper close as in daddy's girl talaga ako growing up. But then, I don't know, life happens. It's normal. So medyo may [distance] lang. Although we're in good terms naman, on good terms," paliwanag ni Yen.
Patuloy din daw ang kaniyang suporta sa kandidatura ng ama bilang mayor. Mensahe niya kay DJ, "Goodluck to everything na you wanna do. Even though nag-drift (apart) tayo, always know na I'm a daddy's girl. I love you and nobody's perfect. Nobody's perfect naman talaga. But then, after everything, it's you and me pa din. Tayo, pamilya. Pamilya pa rin tayo."
Related content: Panoorin ang dating panayam ni Yen Durano tungkol sa kaniyang ama na si DJ Durano.
Ang pagpasok ni Yen sa Vivamax ay nagsilbing paraan niya raw para makamit ang kaniyang mga pangarap sa showbiz at buhay. Nagsilbing inspirasyon sa kaniya ang ina na nais niyang bigyan ng magandang buhay pagkatapos ng lahat ng sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.
Kuwento ni Yen, hindi pumayag ang kaniyang ina na maging isang sexy actress siya dahil sa takot sa mga komento ng publiko tungkol sa kanilang mag-ina. Ngunit sinabi niya, "Ni-reassure ko naman siya na, 'It's not your fault, desisyon ko 'to, and meron akong plano, may plano ako. I'm not gonna be staying here for long."
Sa ngayon, masaya si Yen sa kaniyang ginagawa bilang sexy actress at patuloy na nakatuon sa pagtulong sa kaniyang ina sa pang-araw-araw nilang gastusin.
ALAMIN KUNG SINO PANG CELEBRITY KIDS ANG NAGING SIKAT SA GALLERY NA ITO: