
Kinagigiliwan online ang cute photo ng apo ni Open 24/7 star Vic Sotto na si Jean-Luc.
Ipinasilip ni Danica Sotto-Pingris ang smiling photo ng kanilang bunso sa kanyang Instagram kanina, August 24, na agad namang pinusuan ng kanyang followers.
Sabi ng celebrity mom sa caption, “Luc's smile is so contagious! Nakaka tanggal ng pagod.”
Dagdag pa niya, “Happy Thursday everyone! May we all find joy appreciate the small things that brings us happiness.”
Sunod-sunod naman na nagkomento ang maraming netizens na tuwang-tuwa sa adorable photo ni Luc.
Source: danicaspingris (IG)
TINGNAN ANG ILANG PANG CUTE PHOTOS NI JEAN LUC DITO:
Matatandaan na isinilang ni Danica ang ikatlo niyang anak kay retired PBA cager Marc Pingris noong January 2023.
Sa isang vlog, ikinuwento ni Mommy Danica ang ilan sa challenges sa panganganak niya kay Jean-Luc.
Kuwento niya, "[B]ig baby din siya and then, nag-break na 'yung bag ko nun, e. Anyway, nung second ko I tried for ay VBAC it's a vaginal birth after a cesarean section. Unfortunately, a few weeks before I gave birth nagkaroon ako ng low-lying placenta. So, again I wasn't allowed to have a normal delivery.”
“So itong third, siyempre hindi na, may doctor didn't want to take the risk, my OB, Dr. Pascua. Kasi, parang kinunsider na ako na high-risk, because of my age.”
Bukod kay Luc, may dalawang nakatatandang anak sina Danica at Marc, sina Jean-Michele at Anielle Micaela.