Chinese New Year traditions ng mga artista
May sariling paraan din ang ilang mga artista sa pagsalubong sa Chinese New Year. Ano kaya ang mga pampasuwerte at tradisyon ng mga Kapuso star para sa Chinese New Year?
Janine Gutierrez
Feng Shui tips from Mommy Lotlot de Leon daw ang pinagkakaabalahan ng 'Dragon Lady' star na Janine Gutierrez kapag papalapit na ang Chinese New Year.
“Si mommy (Lotlot de Leon) as in nagpapa-Feng Shui master pa siya dati, winisikan kami ng tubig. 'Yung mommy ko kasi very superstitious and mahilig siya mag-try ng iba't ibang pampasuwerte. So 'yun, 'yung mga experiences ko personally. 'Yung kailangan na 'yung bahay mo is facing a certain direction, alam ko masuwerte 'yung mga halaman and mga lucky bamboo,” kuwento ni Janine.
Tom Rodriguez
Para kay 'Dragon Lady' actor na si Tom Rodriguez, 'di man siya Chinese, nagdadala ng suwerte sa kaniya ang kaniyang aso na si Bubbly. Ani ni Tom, “Lucky charm ko is my dog Bubbly. Definitely I believe in lucky charms, isa akong malaking chambero. Likas na chamber sa buong buhay ko, especially when it comes to my career here.”
Ken Chan
Isang yearly tradition na para kay Ken Chan ang pag-celebrate ng Chinese New Year. Kuwento niya, “Bago mag-Chinese New Year, mayroong isang Feng Shui master na pumupunta sa bahay namin. Siya 'yung nagga-guide kung ano 'yung dapat naming gawin sa bahay. Aayusin niya 'yung bahay naminnang naaayon sa Year of the Pig, and every time na Chinese New Year, lagi kaming nag-aalay. Sa Chinese tinatawag namin siyang Haha Popi, mag-aalay kami ng food. Dapat kumpleto 'yan--may pork, may beef, may fish, may chicken, may fruits, at may vegetables.”
Joyce Ching
Panahon para sa pamilya ang Chinese New Year para kay Joyce Ching. Aniya, “Ang tawag namin sa family namin, actually, is Ching Dynasty. We get together lang to eat lunch or dinner and kailangan naka-red, simple things lang.”
Edgar Allan Guzman
May tradisyon din na sinusunod si Edgar Allan Guzman, na may lahing Chinese. Aniya, “Tradition na rin para sa akin na kumain ng tikoy. Kasi may lahi akong Chinese, sa father's side. Hindi 'yung tradition na lang na bibili kami ng tikoy, kain kami sa bahay. Mag-regalo ng mga tikoy, 'yun yung tradition.”