Filtered By: Celebrity Life | Beauty
Divine Aucina
Celebrity Life

Divine Aucina, body confident sa kanyang latest Instagram post

By Cara Emmeline Garcia
“Grabe ang ganda ko dito,” bitiw ni Divine Aucina sa kanyang latest Instagram post.

Sunud-sunod ang pasabog ni Kapuso actress and comedienne na si Divine Aucina sa kanyang Instagram account.

Todo ang confidence ang former Madrasta star sa social media habang suot-suot ang kanyang faux fur coat at red lace lingerie.

Bitiw ni Divine sa isang post, “Ewan ko ba kung saan ko nakuha 'tong gandang 'to, nagtataka rin ako.

“Your beauty is valid and appreciated. Love you.”

Ang set ng photos na 'yan ay inilabas ni Divine noong nakaraang Lunes, March 8, kung kailan ipinagdiwang ang International Women's Day kaya naman todo ang kanyang pag-promote ng body positivity sa Instagram.

Patok na patok naman ang posts na iyan sa kanyang mga taga-hanga kasama na si Kapuso actress Ashley Ortega na nagsabing, “Ay, pak! Labas siya o!”

Sagot naman ni Divine, “Hindi papatahimik, e., diba? Haha!”

Matagal nang outspoken si Divine Aucina tungkol sa pagiging confident with one's self.

Sa isang segment ng Dear Uge Presents noon, nagbigay pa ng advice ang Kapuso actress sa kanyang fans patungkol sa pag-build ng self-confidence nila.

Aniya, “Sabihin mo sa sarili mo, ang ganda ng mata mo, ang ganda ng ilong mo, ang ganda ng bibig mo, pouty!

“Isa-isahin mo lang 'yung bawat magandang parte ng katawan mo. Kasi 'pag pinagsama-sama na 'yun e, matutuwa ka na at mabi-build na 'yung confidence mo.”

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.