LOOK: Celebrities na proud sa kanilang #uban habang naka-quarantine
Nag-break man sa kanilang regular beauty salon and barber shop visit ang mga celebrity dahil sa umiiral na community quarantine, hindi ito naging dahilan para sila'y mahiya at magtago sa tao. Sa halip ay buong pagmamalaki pa nga nilang ibinahagi ang kanilang quarantine look sa social media kahit pa kita na ang mga tumutubong #uban. Silipin 'yan sa gallery na ito:
Judy Ann Santos
Idinaan ni Judy Ann Santos sa isang funny Instagram post ang "reality bites" na kanyang nararanasan ngayong enhanced community quarantine. Ayon sa 42-year-old actress, "Naglabasan na mga uban ko. 'yung iba kakatubo pa lang, puti na agad??? Sorry guys... hindi kayo dumaan sa adolescent stage." Pabiro pa niyang hinamon ang kanyang followers na ipakita rin ang kanilang mga uban. Sabi niya, "labasan na lang ng mga uban! Sino sasali??"
Carmina Villarroel
Tulad ng kanyang kaibigang si Judy Ann Santos, "deadma na sa gray hair" si Carmina Villarroel. In fact, ready na daw siya sumali sa grupo nito.
Dawn Zulueta
Proud na ipinakita ni Dawn Zulueta ang kanyang #SilverHairDontCare entry sa isang Instagram post. Aniya, minabuti niyang huwag kulayan ang kanyang buhok na may 3 inch-long silver locks para i-challenge ang kanyang sarili kung hanggang kailan niya ito kaya tagalan.
Gelli De Belen
Flinex naman ni Gelli De Belen ang kanyang buhok na may uban bago mag self-hair dye at home.
Vic Sotto
Hindi pa rin nawala ang appeal ni Vic Sotto kahit namumuti na ang kanyang buhok, balbas, at bigote. Kung tutuusin, parang highlights lang ang kanyang puting buhok!
Gabby Concepcion
Brusko mang tingnan si Gabby Concepcion sa kanyang quarantine look, nanatili pa rin ang charm ng '80s heartthrob.
Sunshine Cruz
With or without gray hair, bagets pa rin ang itsura ng mother of three na si Sunshine Cruz. Sa isang Instagram post, ishinare pa niya ang kanyang version ng "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" bilang pagbibigay-pugay sa mga kapwa niya ina.
Nico Bolzico
Parte ng trabaho ng mga celebrity na panatilihing presentable ang kanilang itsura. Pero para kay Nico Bolzico, na isa ring influencer, dapat maging proud ang bawat isa sa kanilang flaws at imperfections.
Paolo Contis
Silver hair don't care para kay Kapuso comedian Paolo Contis nang ipakita niya sa Instagram Story ang lumalabas niyang puting buhok habang naka-quarantine. Sambit ni Paolo, “Dumadami na puting buhok ko!”
Joey de Leon
Hindi rin magpapatalo si Joey de Leon kay Vic Sotto sa pagpapakita ng kanyang #uban habang naka-quarantine. Sabi ng tinaguriang Henyo Master, “Mabuti pa itong paella puro ITIM pa, itong buhok ko puro PUTI na!”
Tito Sotto
Kumpleto na ang trio ng Tito-Vic-Joey dahil proud ring ipinakita ni Senate President Tito Sotto ang kanyang puting buhok nang batiin ang kanyang asawang si Helen Gamboa sa kaarawan nito noong May 7.
Piolo Pascual
Sa edad na 43, tinubuan na rin ng puting buhok ang aktor ni Piolo Pascual. Sa katunayan, nag-comment si Piolo sa post ni Dawn at sinabing, “Muntik na nga ako magmano sa sarili ko when I saw myself in the mirror.”
Arlene Muhlach
Hindi na rin nag-dye ng kanyang buhok ang aktres na si Arlene Muhlach simula noong umiral ang community quarantine.
Margie Moran
Maputi man ang kanyang buhok, hindi pa rin maitatago ang ganda ng Miss Universe 1973 na si Margie Moran. Sulat ni Margie sa kanyang post habang inaalagaan ang kanyang mga apo, “It's back to basics-no make up and letting the undyed state surface. What you see is what I am, whether you like it or not. I don't need to prove anything until my go to salon opens. For now, these are my fashion statements -shorts and T-shirts and the platinum look.”
Gina Alajar
Looking fresh ang director na si Gina Alajar sa kanyang morning selfie sa habang nasa lock-in taping ng 'Prima Donnas.'
Eugene Domingo
Tuluyang in-embrace ni 'Dear Uge' actress Eugene Domingo ang kanyang graying hair nang ipakulay niya ang kanyang buhok para mag-match ito sa kanyang tumutubong buhok. Aniya, “Embracing the transition but always in fashion. Adulting na talaga.”
Arlene Muhlach
Gray hair don't care si Arlene Muhlach nang i-upload niya ang isang video sa kanyang Instagram account habang pinasasalamatan niya ang frontliners sa panahon ng lockdown.