Ruru Madrid, ipinasilip ang proseso ng kanyang hair transformation
May bagong look si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid bilang paghahanda sa mga susunod niyang showbiz projects.
Iniwan na muna niya ang kanyang chin-length na buhok para sa isang clean-cut look.
Image Source: mycke.arcano (Instagram)
Ang tao sa likod ng bagong look ni Ruru ay si celebrity hairstylist Mycke Arcano.
Ibinahagi ni Mycke sa kanyang Instagram account ang isang maikling video ng paggupit niya ng mahabang buhok ni Ruru na naging signature look nito sa matatagumpay niyang mga serye tulad ng Lolong at The Write One.
Inamin din ni Mycke na nakaramdam siya ng pag-aalinlangan sa pagbabago ng look ni Ruru dahil mas naka-focus kasi siya sa sytling at grooming at hindi sa paggupit.
Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa tiwala ni Ruru.
"I always get asked by my clients a lot, if i 'cut hair.' But Hairstyling and Haircutting, for me, are two different art forms. So when @rurumadrid8 called, and asked me to cut his signature mane, I told him that he would be my very first long to short hair cut, ever. I was excited and anxious at the same time, a few days before this happened. And we hope y'all like it! :) ILY Ru, thank you for the trust, it means the world :)," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Narito naman ang before and after look ni Ruru matapos ang gupit at styling ni Mycke.
Nakatakdang bumida si Ruru sa upcoming full action series na Black Rider.
Bukod sa pagbabago ng kanyang look, nagsimula na rin si Ruru sa paghahanda para sa role niya rito sa pamamagitan ng pagte-train sa pagsakay ng superbikes.
May upcoming movie rin si Ruru kasama si Yassi Pressman na pinamagatang Video City kung saan gaganap siya bilang isang aspiring filmmaker na makakapag-time travel pabalik sa '90s.
SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG VIDEO CITY NINA RURU MADRID AT YASSI PRESSMAN DITO: