GMA Network, hinirang na Most Supportive TV Station ng DSWD | GMANetwork.com - Corporate - Articles

Isa na namang karangalan ang natanggap ng GMA Network mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

GMA Network, hinirang na Most Supportive TV Station ng DSWD

By MARAH RUIZ

Isa na namang karangalan ang natanggap ng GMA Network mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

 

 

Hinirang kasi ang Kapuso Network na Most Supportive Television Station sa katatapos lang na Gawad Ulat Awards.

Ibinibigay ang karangalang ito sa mga istasyong nag-ere ng positibo at balanseng mga istorya tungkol sa mga programa, proyekto at serbisyo ng DSWD. 

Ginawad ang parangal noong February 15 sa Land Bank of the Philippines Auditorium sa Maynila. 

Ang Gawad Ulat Awards ay bahagi ng PaNata Ko sa Bayan na kumikilala sa indibidwal, grupo o organisasyong naglaan ng kanilang oras at kakayanan para makapagbigay ng oportunidad sa mga nangangailangang sektor ng lipunan.