Mike Enriquez, Mel Tiangco at iba pang Kapuso, nominado sa first ever Animo Media Choice Award | GMANetwork.com - Corporate - Articles

Maglulungsad ang De La Salle Dasmariñas Alumni Association, Incorporated ng kanilang first ever "Animo Media Choice Award" sa darating na July 21, 2018. Dito, nominado ang ilang Kapuso anchors at shows sa iba't ibang categories.

Mike Enriquez, Mel Tiangco at iba pang Kapuso, nominado sa first ever Animo Media Choice Award

By FELIX ILAYA

Maglulungsad ang De La Salle Dasmariñas Alumni Association, Incorporated ng kanilang first ever "Animo Media Choice Award" sa darating na July 21, 2018. Dito, nominado ang ilang Kapuso anchors at shows sa iba't ibang categories.

Sa ilalim ng Television Category, nominado ang GMA Network para sa Best TV Station. Samantala, ang mga shows naman na 24 Oras, SAKSI at SONA ay kabilang sa mga nominado para sa Best News Program on TV. Nominado rin sina Mike Enriquez at Arnold Clavio sa Male News Anchor on TV at sina Jessica Soho, Pia Arcangel, Mel Tiangco at Vicky Morales para sa Female News Anchor on TV.

Sa Radio Category naman ay nominado ang Barangay LS FM 97.1 sa Best FM Radio Station. Nominado din sina Papa Dudut at Mama Belle para sa Male and Female DJ on FM Station. Ang SAKSI sa Dobol B at Dobol A sa Dobol B ay kabilang sa mga nominado sa Best AM Radio Program.

Lastly, ang mga anchors na sina Arnold Clavio, Mike Enriquez at Ali Sotto ay nominado sa Male and Female News Anchor on AM Radio Station.

Para sa iba pang detalye ng Animo Media Choice Award at kung paano iboto ang paborito mong Kapuso, bisitahin ang  http;//dlsdaa.org/alumni-services/animo-media-choice-awards. Deadline of casting your votes is on July 9, 12:00 midnight.

Congratulations sa inyong nominations, mga Kapuso!