EXCLUSIVES

Barangay LS DJ Papa Obet, recording artist na!

By AEDRIANNE ACAR
Published On: November 8, 2017, 5:24 AM

Dumating na ang tamang panahon para sa Barangay LS DJ na si Papa Obet para tuparin ang pangarap niya na maging singer.

Dumating na ang tamang panahon para sa Barangay LS DJ na si Papa Obet para tuparin ang pangarap niya na maging singer.

 

Ngayong Miyerkules, November 8 pumirma ang Talk To Papa host ng distribution deal with GMA Records para sa Christmas single niya na ‘Una Kong Pasko.’

Present sa contract signing ni Papa Ober sina GMA Records A&R Manager Kedy Sanchez at GMA Records Managing Director Rene Salta.

Sa panayam sa kaniya ng miyembro ng press, sinabi ni Papa Obet na passion niya ang music kaya bata pa lamang ay sumusulat na siya ng sarili niyang original works.

Aniya, “Actually ito talaga ‘yung passion ko ‘yung pagkanta, so aside from broadcasting bilang isang DJ for 15 years. Eight years old pa lang ako kumakanta na ako and then nagsusulat ako ng songs and dala-dala ko ito hanggang ngayon,”

Taos puso din ang pasasalamat ni Papa Obet sa lahat ng bumubuo sa GMA Records para sa mainit nilang pagtanggap at suporta sa kaniya.

Saad nito, “Madali naman kausap at tinutulangan talaga nila ako, so 'yan nandito na ako ngayon sa GMA Records, so thankful ako. Nagpapasalamat sa kanila na tinaggap nila ‘yung song ko.”

 

Mapapakinggan ang radio premiere ng kanta ng Kapuso DJ sa November 11 sa Barangay LS 97.1 ganap na alas nuwebe ng gabi.

Ayon kay DJ Obet, inspirasyon niya ang mga OFW’s nang isinulat niya ang  ‘Una Kong Pasko. ’

“Itong song na ito ay para sa OFW’s para sa mga malayo sa piling ng mga minahal nila, that’s why I wrote this song.”

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->