EXCLUSIVES

MUST-READ: Julie Anne San Jose, humugot sa heartbreak para sa 'Naririnig Mo Ba?'

By CHERRY SUN
Published On: August 2, 2016, 3:34 AM

Hango mula sa personal na karanasan ni Julie Anne San Jose ang kanyang carrier single na ‘Naririnig Mo Ba.’

Hango mula sa personal na karanasan ni Julie Anne San Jose ang kanyang carrier single na ‘Naririnig Mo Ba.’ Ito ang kanyang kinumpirma sa panayam ng mga bloggers tungkol sa kanyang ikatlong álbum sa GMA Records.

Pag-amin ni Julie, “There came to a point na syempre before, sa past ‘di ba may nakikilala tayong mga tao. Sa mga relationships, hindi naman talaga natin maiwasang masaktan ‘di ba. So ayun, parang doon sa susunod.. kunwari nawala sila, doon sa susunod, parang it’s like a warning sign.”

Aniya, ang kanyang isinulat sa ‘Naririnig Mo Ba’ ay isang panawagan sa susunod na magiging bahagi ng buhay niya.

“Sana maging okay or sana pakiingatan naman kasi parang unti-unti kong pinulot ‘yung small pieces of me. So syempre ‘di ba, shattered. Kailangan kasi kapag pumasok ka sa isang relationship, you really have to commit,” sambit ni Julie.

“You really have to no[t] naman give your everything, magtira ka rin para sa sarili mo pero alam mo na kapag pumasok sa isang relasyon, you have to give yourself to that person whole-heartedly,” patuloy niya.

Nagbigay din ng payo si Julie kaugnay sa naging karanasan niya.

Wika niya, “Importante din kasi na ipaalam mo doon sa taong ‘yun na gusto mo kung ano ‘yung totoong nararamdaman mo para alam mo rin sa sarili mong may peace of mind ka.”

MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:

READ: Julie Anne San Jose's 'Naririnig Mo Ba,' now available for download and streaming 

READ: Julie Anne San Jose on an international career: "Kung will ni Lord, mangyayari" 

IN PHOTOS: At the album launch of Julie Anne San Jose's 'Chasing the Light' 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->