EXCLUSIVES

READ: Julie Anne San Jose, mala-Hollywood daw ang peg para sa 'Chasing the Light' album

By CHERRY SUN
Published On: July 27, 2016, 7:20 AM

Sa naganap na bloggers’ conference ni Julie Anne San Jose ngayon, July 27, ay ibinahagi ng Asia’s Pop Sweetheart ang ilang detalye tungkol sa kanyang latest at ikatlong album under GMA Records, ang ‘Chasing the Light.’

Sa naganap na bloggers’ conference ni Julie Anne San Jose ngayon, July 27, ay ibinahagi ng Asia’s Pop Sweetheart ang ilang detalye tungkol sa kanyang latest at ikatlong album under GMA Records, ang ‘Chasing the Light.’

 

 

Pop at ballad ang naging genre ng kanyang mga musika sa dalawang naunang album niya sa Kapuso music label. Samantala, para sa kanyang pinakabagong album ay sinunod niya ang genre ng kanyang ‘Forever’ EP na produced pa sa Amerika. 

“May touch siya ng Filipino vibe din na I’m sure din na magugustuhan din ng mga tao kasi bago siya sa pandinig nga ng mga tao. ‘Yung audience natin, they should be open din sa pakikinig ng ganitong klase ng mga kanta kasi I believe na na-a-adapt natin ‘yung sound ng ibang songs, ibang genres like sa Hollywood ‘di  ba,” paliwanag ni Julie.

“I think na etong album na ‘to, ganun din ‘yung feel niya so I believe na magugustuhan din siya ng mga tao,” patuloy niya.

Iba-ibang talento daw ang naging bahagi ng kanyang ‘Chasing the Light’ album. Kabilang na rito ang ilang mga Pinoy songwriters na nakabase sa US at mga foreign composers.  Muli ring nakatrabaho ni Julie si Agatha Obar na siyang nag-compose ng kanyang mga hit songs na ‘I’ll Be There’ at ‘Right Where You Belong.’

Dalawang kanta rin ang isinulat ni Julie para sa kanyang latest album, ang ‘Not A Game’ at ‘Naririnig Mo Ba.’

MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:

BEHIND THE SCENES: Julie Anne San Jose's 'Naririnig Mo Ba?' music video 

READ: Julie Anne San Jose shows her music evolution through 'Chasing the Light' 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->