Julie Anne San Jose, pressured sa kanyang 'Forever' EP?
Published On: November 16, 2015, 5:39 PM
Matatandaaan na ang dalawang naunang albums ni Julie Anne ay nagkamit ng Diamond Record (Julie Anne San Jose) at Double Platinum Record (Deeper) awards.
By CHERRY SUN
Patuloy na nakikilala ang galing at talento ng GMA Records artist na si Julie Anne San Jose pati na sa ibang bansa. Gayunpaman, nakakaramdam pa rin siya ng pressure para sa kanyang bagong EP.
Noong November ay sinimulan ang digital pre-selling ng Forever EP ng Asia’s Pop Sweetheart, ang kanyang proyekto na ginawa sa Amerika kasama ang VIM Entertainment. Ilang oras palang ay nanguna na ito sa iTunes PH.
Maganda man ang naging feedback sa kanyang latest project ay hindi maiwasang maikumpara ito sa kanyang mga naunang album na parehong pinarangalan ng Philippine Association of the Record Industry.
Ginawaran ng Diamond Record Award ang kanyang first at self-titled album na Julie Anne San Jose habang Double Platinum Record Award naman ang ibinigay para sa kanyang second album under GMA Records, ang Deeper.
Pag-amin ni Julie, “Nape-pressure din ako in some ways pero sabi ko ‘Okay, chill lang.’”
Para sa kanya, mas mahalaga pa rin kung ano ang bagong maihahandog niya sa kanyang mga tagasuporta. Sambit niya, “Ibang genre naman ‘to, ibang atake naman ‘to. Since sa US ko naman ‘to ni-record, I think it’s time na rin na maging open-minded or ma-witness ng mga tao ‘yung ganitong genre naman.”