EXCLUSIVES

Japanese OPM artist Aisaku Yokogawa, laki at pusong Pinoy

Published On: September 22, 2015, 4:57 PM
Marami marahil ang nagtataka kung paano ang isang pure Japanese tulad ni Aisaku Yokogawa ay nakakapagsalita ng diretsong Tagalog at nakakapagsabayan sa kulturang Pinoy.
By CHERRY SUN

Marami marahil ang nagtataka kung paano ang isang pure Japanese tulad ni Aisaku Yokogawa ay nakakapagsalita ng diretsong Tagalog at nakakapagsabayan sa kulturang Pinoy.

Kuwento ng GMA Records artist, dito siya lumaki sa Pilipinas.

“Dito na ako lumaki noong bata ako. My parents are traveling missionaries, I was trained to be a translator-interpreter since noong bata. One of the language(s) na trinain ako is Tagalog,” ani Aisaku.

“I was speaking native Tagalog when I was in Japan. When I came back here I noticed kapag natutulog ako, nag-tatagalog pala ako,” biro pa niya.

Dito rin na-develop ni Aisaku ang kanyang hilig sa musika. Una na niya itong ipinamalas nang sumali siya sa ‘You’re My Foreignoy’ ng Eat Bulaga.

Wika niya, “When I was in Japan, I wasn’t really singing. But when I came here in the Philippines, a lot of people share music. I learned the culture of jamming here in the Philippines.”

Mula sa pakikipag-jam ay nakakuha ng imbitasyon si Aisaku para sa official bookings at guestings. Naglabas na rin siya ng isang cover album dalawang taon na ang nakalipas. Sa pamamalagi niya rito ay natutunan din niya kung ano ang mga uso at hilig ng mga Pinoy.

READ: Unang single ni Aisaku Yokogawa, inspired by AlDub 

Batid niya, “In the Philippines lalo na, priority ang mga compositions and originals. That is why I made my Tagalog compositions and I plan to distribute it under GMA Records.”

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->