Get ready for 'Whogoat Christmas!'
Published On: September 8, 2015, 9:01 PM
Kilalanin si Aisaku Yokogawa, isang Hapon na natutunang mahalin ang kulturang Pinoy lalo na ang pagdiriwang ng Pasko.
By CHERRY SUN
Sa pagsapit ng “Ber” months ay simula na rin ng Christmas season dito sa Pilipinas. Lalamig na ang simoy ng hangin, malapit na muling mauso ang bigayan ng regalo at pagdalo ng simbang gabi kasama ang inyong mga mahal sa buhay.
Ngunit kung hanggang ngayon ay humuhugot ka pa rin, ‘wag mag-alala - ang pinakabagong artist ng GMA Records ay may handog na kanta para sa ’yo!
Noong September 3 ay pumirma si Aisaku Yokogawa ng isang recording contract with GMA Records, at ngayong September 15 ay maaari nang marinig ang kanyang first single, ang 'Whogoat Christmas.'
Laking Pilipinas ang pure Japanese na si Aisaku. Dito ay natutunan at nagustuhan na niya ang kulturang Pinoy, kasama na ang pagdiriwang ng Pasko.
“Sa Japan naman, hindi namin masyadong sine-celebrate ang Christmas,” kuwento ni Aisaku.
“Quite lonely ang Christmas doon, but when I’m here in the Philippines, parang kapag Christmas, everyone’s enjoying Noche Buena, everyone’s having a date,” dugtong nito.
Pero kahit nasa Pilipinas siya ay patuloy pa rin daw ang trabaho niya dahil sa kanyang Japanese clients. Dito raw nagmula ang kanyang composition na ‘Whogoat Christmas.’
“Eto na ‘yung last. Sana next year maranasan ko naman ‘yung Christmas filled with love,” paalala niya sa kanyang sarili.
Matuloy man o hindi ang kanyang hiling, at least ay may karamay na siya at pati na rin kayo ngayong Pasko.
Excited na ba kayong humugot? Tutok lang sa GMANetwork.com para makakuha ng updates tungkol sa kanyang new single!