Ano ang pinakakakaibang tanong na natanggap ni Papa Marky sa 'Talk to Papa?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hindi na bago para kay Papa Mark ang makarinig ng iba’t-ibang istorya mula sa listeners ng kanyang programa na Talk To Papa sa Barangay LS 97.1 kasama si Papa Obet. Pero ano nga ba ang pinaka tumatak na tanong sa kanya?

Ano ang pinakakakaibang tanong na natanggap ni Papa Marky sa 'Talk to Papa?'

By BIANCA GELI

Hindi na bago para kay Papa Mark ang makarinig ng iba’t-ibang istorya mula sa listeners ng kanyang programa na Talk To Papa sa Barangay LS 97.1 kasama si Papa Obet.

Pero ano nga ba ang pinaka tumatak na istorya sa kanya?

Ayon kay Papa Marky, may isang caller na nagtanong sa kanya ng isang tanong na mahirap at kumplikadong sagutin.

"Tanong niya, paano ba i–describe ang mga kulay ng bahaghari sa isang taong bulag at hindi pa nakakakita ng bahaghari sa buong buhay niya.

"Napaisip agad ako. Sa tanong kasi na ganito ay kailangang piling-pili ang sagot mo. So naisip ko, paano kung gamitin ko ang emotions o feelings para i-describe ang kulay? Sa kulay na pula, ang gagawin ko ay yayakapin ko siya hanggang maramdaman niya ang tibok ng puso ko. Next, yellow – ipaparamdam ko sa kanya ang pagtama ng init ng araw sa mukha mo tuwing sunrise. Kapag Blue naman, ang pinakapaborito kong kulay sa lahat, sasabihin ko sa kanya na ito ang kulay ng langit, ito ang kulay ng dagat. Ipaparamdam ko sa kanya ang pakiramdam ng tubig o dagat sa kanyang balat."

Pagpapatuloy pa ni Papa Marky, "iisa-isahin ko sa kanya ang emosyon ng bawat kulay. Ayan tuloy, dahil sa sagot ko ay nakabuo ako ng isang tula na pwede kong gamitin sa aking programa tuwing Linggo, alas-nuebe ng umaga, ang Hay Buhay.  Doon, may spoken word poetry kami."

Bukod sa pag-inspire sa kaniyang mga callers, goal din daw ni Papa Marky na tulungan na maging inspirasyon ang kanyang mga callers sa kapwa nila. “‘Yun ang gusto ko laging palabasin sa mga nakakausap ko na tao. Gusto ko mag-shine, gusto kong may liwanag na manggagaling lagi sa mga kuwento nila at maging inspirasyon sila sa ibang tao. Ganun ka-sacred sa akin ‘yung tiwala na ibinibigay ng mga listeners na nagshi-share ng mga stories nila.”

Mapapakinggan si Papa Marky hindi lang sa radyo kung 'di pati na rin sa live audio stream ng Barangay LS sa www.gmanetwork.com/radio.