READ: Ali Sotto, bakit mas pinili maging anchor sa DZBB kesa bumalik sa pag-arte?
April 17 2017
PHOTO BY Michael Paunlagui, GMANetwork.com
Bagama’t hindi ganun ka-akitbo sa pag-arte gumagawa naman ng sarili niyang marka si Ali Sotto sa mundo nga radio broadcasting.
Sa katunayan, isa siya sa mga top anchors sa DZBB at simula sa April 24, hindi lamang siya mapapakinggan sa FM radio, kundi mapapanood na siya pati sina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Joel Reyes Zobel sa Dobol B sa GMA NewsTV.
Sa panayam ng press kay Ali Sotto sa press conference ng Dobol B sa GMA NewsTV, ngayong April 17 sa GMA Network Center, umamin ito na choice niya na mag-focus sa radyo.
Kuwento ni Ali, “What you say matters and it’s very fulfilling. Wala na akong pinapag-aral na anak, wala na akong binabayarang rent, wala na akong monthly amortizations di ba. Unlike when I was acting, I was a single mom, I have two kids to raise. And my sons, you know Mico passed away, [while] Chino got married last October [2016].”
Dagdag niya, “So, financially wala na akong pressure to earn that much. So now, ‘yung parang you reach a point in your life na gusto mo may meaning na ‘yung ginagawa mo.”
May mga offers pa rin daw na dumating kay Ali na gumawa ng teleserye, pero mas iniisip niya ang life and work balance na mayrun siya ngayon.
"Of course may offers pa rin to do teleseryes pero alam mo ‘yung life-work balance din na by eleven o'clock tapos ako nang trabaho ko di ba. I have that luxury. It’s a blessing. And then I can do other things na mas domesticated di ba,” ani Ali.
Nakakaramdam din si Ali Sotto nang fulfillment bilang isang radio host, dahil naisusulong niya ang kaniyang mga personal advocacies.
“Ang radio may fulfillment ka because you have power to effect change and then dahil ikaw ‘yung babae sa radyo you now there’s so much you can say about women empowerment, mga advocacies ko like ‘yung mga ina, ‘yung cornea donation, environment, di ba.”
More on DZBB:
WATCH: Balitang umaatikabo tuwing umaga sa Dobol B sa NewsTV
LOOK: A great morning with our Kapusos at Barangay Bagong Ilog, Pasig City
WATCH: Mas maganda ang umaga n'yo dahil ang Dobol B nasa GMA News TV na!
Comments
comments powered by Disqus