Ilang personalidad at programa ng dzBB, pinarangalan ng VACC | GMANetwork.com - Radio - Articles

Matapos maging Hall of Fame awardee bilang Best Radio Station noong 2013, muling pinarangalan ng Volunteers Against Crime and Corruption ang ilang personalidad at programa ng Super Radyo dzBB 594khz.

Ilang personalidad at programa ng dzBB, pinarangalan ng VACC




Matapos maging Hall of Fame awardee bilang Best Radio Station noong 2013, muling pinarangalan ng Volunteers Against Crime and Corruption ang ilang natatanging personalidad at programa ng GMA Network at Super Radyo dzBB 594 khz.

Kinilala muli si dzBB Reporter Carlo Mateo bilang Outstanding Radio Reporter.

Ang programang Dobol A sa Dobol B at maging ang mga host nito na sina Arnold “Igan” Clavio ay binigyan din ng pagkilala.

Pinarangalan din si GMA 7 reporter Emil Sumangil bilang Outstanding TV News Reporter.

Kinilala rin si Ms. Malou Mangahas, host ng Investigative Documentaries, sa Anti-Corruption Campaign Category. 
 
At ginawaran ang GMA Channel 7 ng Special Award for Community Service for Year 2013- 2014.
 
Iginawad ng VACC ang parangal bilang pagkilala sa mga programa at personalidad na nag-ambag ng patas at makabuluhang pamamahayag na pumukaw sa adbokasya ng VACC sa pagkamit ng katarungan.