ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Michelle Madrigal at Bela Padilla, excited na sa pilot episode ng 'Love and Lies'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Excited na ang Kapuso stars na sina Michelle Madrigal at Bela Padilla sa page-ere ng pilot episode ng kanilang pinagbibidahang primetime show na "Love and Lies," ang bagong palabas ng Kapuso Network, na mapapanood sa Abril 8.
Si Michelle ang gaganap bilang asawa ni Richard Gutierrez, isa sa mga bida ng palabas, habang isang babaeng mapapahamak dahil sa pagnanais na protektahan ang kanyang pamilya ang karakter na gagampanan ni Bela.
Gayundin, ang "Love and Lies" ang papalit sa matagumpay na primetime soap na "Temptation of Wife" na pinagbidahan nina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Rafael Rosell, at Dennis Trillo.
Kaya naman, hindi maiwasan ng mga bidang aktres ang makaramdam ng pressure sa pagsisimula ng kanilang palabas.
Wika pa ni Michelle, "Oo naman, especially papalitan namin ang Temptation of Wife at alam natin lahat kung gaano ka successful ang Temptation of Wife. So, nakakadagdag 'yon sa'min na 'pag pinalitan namin, kailangan tapatan namin 'yong rating nong show."
"I don't feel it yet siguro dahil nakaka two taping days pa lang ako but probably pag nagstart na kami ng action scenes, 'yon baka ma-pressure na ako," batid ni Bela.
Samantala, kabilang sa bumubuo ng palabas sina Paolo Contis at Sid Lucero. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: michellemadrigal, belapadilla
More Videos
Most Popular