Aminado ang Filipino-American at Kapuso actor na si Ivan Dorschner, na mas gusto niyang manatili sa Pilipinas kaysa sa Amerika
Paliwanag ng Meant To Be star nang makausap ng PEP.ph sa kaniyang birthday charity, kasama ang ilang bata mula sa Boy Scouts of the Philippines kamakailan; “Iba kasi ang life ko sa L.A. [Los Angeles], iba siya.
"And masasabi ko na I feel sobra akong fulfilled, yung feeling ko pagdating sa mga ginagawa ko dito.
“In the States, magagawa ko din ang mga ganito, kaya lang, parang mas may effect dito.
"Kasi sa States naman, iba kasi yung temperament ng tao.
“Yung masasabi ko na dahil people here have less, so mas bina-value nila ang pagsi-share ko at yung ibinibigay namin sa kanila,” saad pa ng aktor na halos limang taon nang naninirahan sa Pilipinas.
Bukod sa mga proyekto sa GMA, abala rin siya ngayon sa paggawa ng mini-documentary tungkol sa specialty jobs sa Pilipinas.
Si Ivan din ang magpoprodyus at magmo-moderate ng naturang documentary na mapapanood sa YouTube. -- For the full story, visit PEP.ph