(IMAGE Noel Orsal)
Hiningan ng PEP.ph ng pahayag si Vic Sotto tungkol sa pagkakasalungat ng pananaw ng kaniyang anak na si Vico at ng kapatid na si Senador Tito kaugnay ng pagbigay ng P1,000 budget ng Kamara de Representantes sa Commission on Human Rights (CHR) para sa 2018.
Si Vico, kasalukuyang konsehal ng 1st District ng Pasig City, ay tutol; si Tito, kasalukuyang senador ng Pilipinas, ay pabor.
READ: Sotto on CHR's P1,000 budget: Kontra kasi nang kontra
Ayon kay Vic, hindi naman daw isyu ito sa kanilang pamilya.
Lahad ni Vic, “That’s what democracy is all about.
“May kanya-kanya tayong pananaw sa mga isyu.
“So, respetuhan na lang.
“It doesn’t mean na magkaaway na tayo kasi kung ikaw naniniwala sa yung hindi ko pinaniniwalaan, kanya-kanyang ano yun.
“Wala sa pamilya yun.
“It’s a very petty issue. Kanya-kanya yun, e.”
Hindi raw ito napag-uusapan kapag nagsasama sila, ngunit solid daw ang pamilya.
Nakausap ng PEP.ph si Vic sa set ng MMFF entry niyang "Meant To Beh" noong kamakalawa nang gabi. -- For more Showbiz news, visit PEP.ph