Nagpasalamat si 'Ika-6 Na Utos' lead actress Sunshine Dizon sa mataas na rating na natanggap nila mula sa kanilang avid viewers.

Ayon sa ulat ni James Patrick Anarcon ng PEP.ph nitong Miyerkules, nangunguna sa rating ang naturang Kapuso drama series sa hapon.

Nagsimula ang 'Ika-6 Na Utos' noong Disyembre 5, 2016, na ngayo'y nasa ika-anim na buwan na ng pag-ere.

"Actually, to be honest, I didn't expect it to be this big kasi when we did the show, it was supposed to run only for six weeks. And then it got extended," pahayag ng aktres.

Sinabi pa ni Sunshine na tila 'dark horse' ang 'di inaasahang pagpalo ng kanilang rating.

"Sige let's do this show, let's see how it works."

"Sabi ko nga sa producer namin, hayaan mo na, let's just do it the way we did it from the very start."

"If it gets extended, well then good. If it ends, it ends. Pero let's give our hundred percent pa rin from day one until today. That's what we're doing," anang aktres.

Naging tanyag ang serye dahil sa mga confrontation scenes nina Emma (Sunshine) at Georgia (Ryza Cenon) na naging viral sa internet.

Samantala, binalewala naman ni Sunshine ang mga negatibong komento ukol sa kanilang confrontation scenes.

Sinabi ng aktres na isinara na niya ang comments section sa kanyang Instagram account.

"Actually, to be honest, I turned off na yung mga comments ng IG ko kasi medyo nakaka-stress din 'yung iba na bashers."

"Pero feeling ko troll lang, kasi walang number of following, so I don't know kung sinong nag-aaksaya ng panahon."

Hindi naman hinayaan ni Sunshine na maapektuhan ang kanyang performance ng mga negatibong komento.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News