Filtered By: Showbiz
Showbiz

TJ Trinidad on MMFF 2016: 'Let's give the smaller films a chance'

 


Hindi na raw masusorpresa ang aktor na si TJ Trinidad kung sakaling mas mababa ang kitain sa box-office ng mga pelikulang kalahok ngayon sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) kumpara noong mga nakaraang taon.

Halos lahat ng napiling walong official entries sa MMFF 2016 ay indie films o hindi iprinodyus ng malalaking film outfits, gaya ng Star Cinema, Viva Films, at Regal Entertainment, Inc.

READ: Mas mababang kita sa takilya, inaasahan sa 2016 MMFF

Kaya nangangamba ang marami sa industriya na hindi kikita nang malaki ang MMFF 2016.

Kabilang si TJ sa cast ng Saving Sally, isa sa official entries ngayong taon.

Pahayag ng aktor tungkol sa isyung ito, "I wouldn't be surprised kung hindi siya kalaki sa box-office sale last year.

"That is something to be expected.

"But, I think, it is also the time to give others a chance.

“Kasi, in the end, lahat naman 'yan ay maipapalabas at makikita ng mga tao.

"I know na kumita naman yung Super Parental Guardians at saka yung Enteng Kabisote.

“So, let's give the smaller films a chance… para may iba namang choice ang tao."

Aminado si TJ na malakas ang box-office appeal ng nabanggit niyang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto, na parehong hindi napili sa MMFF 2016.

“Meron talagang appeal sa masa… malaking market 'yan, e.”

Pero sa pananaw niya, may kahahantungan din ang indie films na nakasali ngayong taon sa MMFF.

Chance daw ito ng mga taong makakita ng ibang style ng filmmaking.

“In the future, mapa-MMFF o just a regular playdate, masasabi nila na, 'A, ito yung gumawa last year. Quality siya, panoorin na natin.'"

Ang Saving Sally, na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Enzo Marcos sa direksiyon ni Avid Liongoren, ay pinaghalo ang animation at mga totoong artista.

Ma-a-appreciate kaya ito ng Pinoy audience?

Tugon ni TJ, “Ma-a-appreciate talaga nila, like, when you watch it, simple lang pero may puso.

"Feeling ko, kung bibigyan lang nila ito ng chance, mata-touch yung mga puso nila kapag napanood nila, e.

"I hope also na ipakita ito beyond Metro Manila.

“May mga nabasa ako na may provincial theaters na hind raw nila ipapalabas ito.

"Sana magtulung-tulungan tayo para may chance naman na mapanood ito ng mga taga-probinsiya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si TJ sa presson ng pelikulang Saving Sally, na ginanap sa Victorino's restaurant, nitong Biyernes, December 9. -- For the full story, visit PEP.ph

Tags: mmff2016