Filtered by: Showbiz
Showbiz

Rita Daniela clarifies past issue with Donita Rose



Bagamat matagal nang natapos ang teleseryeng pinagsamahan nila, ang Let The Love Begin, ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang kontrobersiyang kinasangkutan nina Rita Daniela at Donita Rose.

Matatandaang pumutok ang isyu noon na pinagtawanan at sinimangutan diumano ni Rita si Donita nang magkamali ang huli sa isang eksena nila.

Sa latest interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rita ay muling naungkat ang isyung ito.

“Naku, eto na, babalikan na naman natin,” ang tila paiwas na reaksiyon ng actress-singer nung simula.

Pero pagkatapos ng ilang sandali ay pumayag na rin si Rita na magsalita, ngunit pakiusap niya, “Last na ito, beh, huwag na nating balikan, ha?”

Tumawa at sumimangot nga ba siya nang magkamali si Donita sa kanilang eksena?

“Hindi naman po sa pinagtawanan... paano po ba?”

May nagsasabing 'mukhang nabuwisit' daw si Rita sa pagkakamali ni Donita.

Pero mariing tanggi ni Rita, “Grabe! Hindi po, hindi!

“Kasi alam ko naman na lahat naman puwedeng magkamali.

“Baka nakita lang niya na ganun, alam mo naman ang mukha ko, bitch-face talaga, e.

“Yung kahit hindi ako magsalita, itaas ko lang yung [kilay], magganyan lang ako, feeling nila may tinatarayan na ako.

“Pero yung time na yun, naaalala ko iyon talaga yung time na namumrublema ako sa time management.

“Iyon yung time na iniisip ko yung pag-aaral ko… kailan ako magre-review, anong gagawin ko sa isang subject ko kasi ang dami kong kinukuha, e.”

Dagdag pa ni Rita, “Nasa trabaho kami, and kahit naman sabihin mong expert na siya sa ganyan, nagkakamali pa rin siya.

“Kaya nga we do rehearsals, e, para pag may mali, we can make it right.”

Mukha nga raw kasing mataray at suplada si Rita.

Aniya, “Iyon nga, kaya minsan may expression akong ganyan, akala nila nagmamaldita ako, pero wala talaga, .

“Ganun lang talaga ako.

“That’s why, sabi ko nga, mas naging open kami ni Direk Gina [Alajar, direktor ng Let The Love Begin] sa isa’t isa.

“Kasi sinabi rin niya, ‘Alam niyo, ganun din ako, e, kasi matalas ako tumingin.’

“So minsan, meron akong expression na ganito-ganyan, akala ng iba ayoko sila or nagtataray ako, nagsisimangot ako, hindi.”

NEEDS TO MATURE. Sinang-ayunan naman ni Rita ang naging pahayag noon ni Donita na kailangan pa niyang mag-mature.

“Tama naman, tama naman yun, talagang nung time na yun sa Let the Love [Begin], talagang hard time ko yun.

“Kasi, iyon yung time na talagang pinagsasabay ko yung pag-aaral ko and yung taping.

“Ngayon kasi nakuha ko na yung scholarship, e. I got this scholarship in CSB [College of St. Benilde].

“So, iyon yung time na kinukuha ko, mine-maintain ko yung grades.

“Siyempre, mahirap yung part na napupuyat ka, pero alam mo… marami kang kailangang tapusin sa school.

“So, tama naman yun. And yung maturity na sinasabi ni Miss, I agree.” -- For the full story, visit PEP.