Iglesia Ni Cristo New Year countdown breaks 3 Guinness world records
Sa kabila ng pagbuhos ng ulan kagabi, December 31, 2015, nakuha ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang Guinness World Records para sa Largest Fireworks Display, Longest Line of Sparklers Lit in A Relay, at Most Sparklers Lit Simultaneously sa New Year Countdown to 2016 na ginanap sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria, sa Bocaue, Bulacan.
Ang Maligaya Development Corporation sa pamumuno ni Atty. Glicerio Santos IV, ang chief operating officer at chief legal counsel ng INC, ang organizer ng pinaka-engrande na New Year Countdown sa Philippine Arena na dinaluhan ng tinatayang halos 100,000 katao.
Isang oras ang itinagal ng fireworks display na nagsimula ng 12 midnight at natapos ng ala-una ng madaling-araw.
Sina Bela Padilla at Sam YG ang mga host ng programa. Special performers sina Pops Fernandez, Erik Santos, Angeline Quinto, Janice Javier, Jessica Reynoso, Apl.de.ap., Arnel Pineda, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.
Kahit umuulan, hindi umalis ang mga tao dahil sa kagustuhan nilang masaksihan nang personal ang pagtatangka ng Iglesia Ni Cristo na masungkit ang mga nabanggit na world records.
Ang dalawang babaeng representative ng Guinness World Records mula sa London ang opisyal na nagdeklara na nakuha ng INC at ng Pilipinas ang world records ng Largest Fireworks Display, Longest Line of Sparklers Lit in A Relay, at Most Sparklers Lit Simultaneously.
Live na napanood sa INCTV at Net25, ang mga television network ng Iglesia Ni Cristo, ang Countdown to 2016 na gumawa ng mga bagong record sa Guinness.
Si Bert de Leon ang direktor at ang Viva Live ang producer ng programa. —PEP
For more showbiz stories, visit PEP.