Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ynez Veneracion 'not affected' by malicious rumors that she's a call girl


Isa si Ynez Veneracion sa sexy stars na nagkapangalan noong dekada '90 at balitang marangya pa rin ang buhay nito kahit walang regular na acting projects.
 
Iniintriga nga si Ynez na kaya marangya ang buhay niya, kahit walang gaanong proyekto, ay dahil ibinibenta diumano niya ang kanyang katawan.
 
Mabilis na reaksiyon nito, “Walang trabaho? May out-of-the-country shows naman, may out-of-town shows naman ako. 
 
"'Tapos nagkakaroon ako sa GMA-7, nagkaroon ako ng Munting Heredera, ten months na nag-air yun.
 
“Then, Paraiso… so two months yun, regular ako doon, maganda yung role.
 
“Lately, may mga TV guestings din ako...
 
“So, hindi ako totally wala. 
 
"'Pag wala akong TV guestings, rumaraket ako sa Japan, sa Dubai."
 
Aware ba siya sa mga tsismis na "pumapasada" pa raw siya, na ang ibig sabihin nito ay ikinakalakal niya ang kanyang katawan.
 
“I don’t care. Pasada? E, di patunayan nila... Pasada ba talaga? Saan? Kailan?” sabi ni Ynez.
 
Madalas daw kasi siya sa abroad at doon ginagawa ang kakaiba niyang "trabaho."
 
Sabi niya tungkol dito, “Ganun? May mga pictures ako ng mga shows ko. 
 
"Last month, I was in Japan. Nag-show ako doon ng two weeks. 
 
"'Tapos nong nakaraan, kasama ko pa si Andrew E.
 
“O, tanungin natin si Andrew E.” 
 
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynez sa press conference ng pelikulang The Janitor, noong Miyerkules ng hapon, October 1, sa Dolce Latte restaurant.
 
Not affected
 
Hindi naman daw nasasaktan si Ynez sa mga ganitong tsismis tungkol sa kanya.
 
Saad niya, “There’s no reason to get hurt.
 
"Kasi I’ve been in showbiz for thirteen, fifteen years already. 
 
"I’m used to it na talaga, hello!
 
“Dito sa showbiz, 'pag tumaba ka nga dito, buntis ka, e. 
 
"Pag pumayat ka nga, adik ka... saan ka lulugar?”
 
Inaasam ba niyang mawala na ang ganitong speculations?
 
Sagot niya, “Kahit hindi, okey lang. At least, buhay ako.
 
“Kung saan sila masaya, susuportahan ko sila. Ganun lang yun. 
 
"Kasi kung kokontrahin ko sila or lalabanan mo, pangit pa.
 
“Parang sabi nga nila, kahit paano, maganda pa rin ako. At bakit raw? Kasi I’m happy.
 
“'Pag nagpaapekto ako sa ganyan, hindi na ako happy. Hindi ka na gaganda.”
 
Ayon pa sa usap-usapan, mayroon daw siyang benefactors na Japanese at politicians. Ano ang masasabi ni Ynez dito?
 
“May mga nanliligaw, oo. Japanese, foreigners...
 
"Marami talaga, sa States, mga nanliligaw talaga.
 
“Parang ako ngayon, I collect and then select na lang. Date-date, dinner-dinner. 
 
"Nagdi-dinner nga ako kasama ko ang mama ko, ang best friend ko.
 
“Kasi nga, kinikilala ko at 'pag meron na talaga, siyempre sino ba naman ang ayaw mag-settle down?
 
“Sana nga, at the age of thirty-five makapag-settle down na ako, two more years pa.
 
“So, ngayon, nag-e-enjoy lang naman ako sa buhay ko.” — Rey Pumaloy, PEP