Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ana Capri denies rumor linking her to Hubert Webb


Kahit nagtapos na ang pagbibida ni Ana Capri sa mga pelikulang sexy ang tema, hindi natuldukan ang kanyang karera bilang isang aktres. Sa mga supporting roles na kadalasang naibibigay sa kanya, patuloy pa rin niyang naipamamalas ang husay niya sa pag-arte. Sabi ni Ana sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I feel blessed na hanggang ngayon, hindi ako nawawalan ng gagawing project. “Happy naman ako sa mga roles na naibibigay sa akin, hopefully magtuluy-tuloy lang.” Nakausap ng PEP si Ana sa presscon ng latest project niya sa GMA-7, ang Magkano Ba Ang Pag-ibig?, noong Martes, September 17, sa GMA Network Center. BACK TO GMA-7. Ang huling teleseryeng ginawa ni Ana sa Kapuso network ay ang One True Love. Gumanap siya rito bilang teacher ni Alden Richards at tunay namang ina ni Louise delos Reyes. Kasunod nito ay ginawa niya ang panghapong serye ng ABS-CBN na Dugong Buhay, kung saan gumanap siya bilang nag-ampon at nagpalaki sa bida ritong si Ejay Falcon. This time, isa na namang challenging role ang bibigyang buhay ni Ana sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-Ibig?, na pagbibidahan ni Heart Evangelista. Gaganap dito si Ana bilang isa sa tatlong manugang ni Celia Rodriguez. Kuwento ni Ana, “Kakasimula pa lang naming mag-taping. “So, wala pa akong masyadong masasabi about my role at sa matitinding dramatic scenes na gagawin namin. “Pero maganda yung story. Pati yung mga roles ng bawat isa sa cast." Sabi pa ng award-winning actress, “Masaya ako na napasama sa project na ito at magkaroon ng chance na makatrabaho ulit si Direk Maryo [J. de los Reyes].” Marami na rin silang projects na ginawa ni Direk Maryo. Kabilang dito ang pelikulang Paraiso Ni Efren, ang ABS-CBN soap na Anghel Na Walang Langit, at ang GMA-7 afternoon series na Magdusa Ka.   STILL SEXY. Sa ilang taon na dumaan, may panahong medyo tumaba si Ana, pero ngayon ay sexy na siya ulit.   Aniya, “'Yan ang resulta ng regular diet na ginagawa ko... na I eat healthy food, basta healthy living lang. “May pinaghahandaan din kasi akong photo shoot this October 5, makakasama ko dito sina Rachel Lobangco at Gwen Garci. “Magkakaroon kami ng photo shoot para sa ilang magagaling na new breed of photographers. “May mga pose na medyo sexy pa rin kaya, siyempre, dapat mag-prepare!” sabay-tawa ni Ana. Natawa ulit ang aktres sa mga pumupuna na tila mas lumaki ang kanyang dibdib ngayon. Sumailalim ba siya sa breast enhancement procedure? “Ano lang ‘yan… kumbaga, e, ganoon talaga ‘yan. Sumasabay lang sa pagiging maganda natin!” pabirong sabi niya.   JUST FRIENDS. Kapuna-puna rin ang ibang aura niya ngayon, mukha siyang in love. May balita ngang sila na raw ni Hubert Webb, ang anak ni dating Senator Freddie Webb na nakulong dahil sa pagiging suspek sa Vizconde massacre. Totoo ba ang tungkol sa kanila ni Hubert? “Kaibigan ko lang siya... tsismis lang yung kami raw,” nangiting paglilinaw ni Ana. Bakit kaya sila nali-link? “Hindi ko rin alam, e. Sa showbiz naman, kapag may nagiging magka-close, kahit friends lang talaga, napaghihinalaang may relasyon. “E, ako naman, deadma kung inili-link man kami ni Hubert sa isa’t isa kasi magkaibigan nga lang kami.” FOREIGNER SUITOR? Sa presscon ng Magkano Ba Ang Pag-ibig ay may kasamang foreigner si Ana, pero nang tanungin ang aktres kung sino ang lalaking ito ay umiwas siya. “Huwag na yung lovelife! Basta I’m happy!” natatawang sabi niya.   Kahit paulit-ulit na kulitin, ayaw talaga niyang magkuwento tungkol sa kanyang lovelife ngayon at panay na lang ang kanyang tawa. Paano ba sila nagkakilala ng sinasabing "special someone" niya ngayon? Sagot ni Ana, “Through a common friend. Matagal na rin since noong nagkakilala kami, more than a year na.” Wala pa ba siyang planong mag-asawa? Hindi pa ba nagpo-propose ng marriage ang "special someone" niya ngayon? “I’m working on it!” natatawang biro ni Ana. “Basta… we’re still enjoying each other’s company, okay na muna yung ganito. "Basta, happy kami pareho. “Yung tungkol sa pag-aasawa at pagbuo ng sariling pamilya, it will come. “Hindi ko pa lang masabi kung kailan, pero definitely it will come.” -- Ruben Marasigan, PEP
Tags: anacapri,