Filtered By: Showbiz
Showbiz

StarStruck alumnus Kevin Santos thanks gay role in My Husband's Lover for instant popularity


  Aminado ang StarStruck Batch 2 alumnus na si Kevin Santos na ngayon pa lang siya nakikilala ng mga manonood dahil sa pagganap niya bilang Danny sa hit primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover. Dahil sa kasikatan ng show, nakilala si Kevin na hindi nangyari sa kanyang mga naunang projects. Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, napakalaki ng pagbabago. “Kasi noon, nagkaka-show ako, pero hindi ganoon yung response ng tao sa character ko. “Pero ngayon, dito sa My Husband’s Lover, iba talaga." Bilang Danny, siya ang best friend ni Eric na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.   OVERWHELMING. Sa personal appearances ng cast sa mall shows, marami ang pumupunta at nakikisalamuha sa kanila. Kuwento ni Kevin, “Kasi, kapag lumalabas ako, especially sa mall, mas marami yung nakakakilala sa akin as Danny—yung pangalan ko sa My Husband’s Lover. “Tapos, lumalapit sila, nagpapa-picture sila. “Masaya ako, kasi kahit papano, tumatatak yung character ko, mas nakikilala ako ng mga nanonood ng MHL. “Masaya, kasi matagal-tagal na rin naman ako sa showbiz, pero dahil iba yung impact sa mga tao ng show namin, lahat kami instant boom. “Parang lahat ng charcter sa show at mga artistang gumaganap sa show, mas marami na yung nakakakilala. “Kaya nga very thankful ako at napasama ako sa show na kahit gay yung role ko, nagustuhan ng tao at maganda yung feedback." Hindi lang daw si Kevin ang malaki ang ipinagbago dahil sa pagganap nila sa kanilang teleserye. Aniya, “Marami kasing first dito, e. I mean, ito na talaga yung masasabi kong pinakamalaking break ko. “Binigyan nila ako ng ganitong klaseng role, and at the same time, first time din na nangyari sa GMA na nagkaroon ng ganitong klaseng story. “Tapos, nag-click at halos every day, laging nagti-trending sa Twitter worldwide at sa Philippines. “Kaya nga nakakatuwa yung mga sumusuporta sa My Husband’s Lover.”   IS HE OR ISN’T HE? Dahil sa mahusay na pagganap niya bilang gay sa My Husband’s Lover, wala bang nagtatanong kung totoong gay nga siya? Sabi ni Kevin, “Actually, may nangyayaring ganyan. Yung iba sa Twitter, kada lumalabas ako sa My Husband’s Lover. “May nagtatanong sa akin na, ‘Straight ka ba talaga o straight gay?' “Sinasagot ko naman sila na, ‘Sa role lang ‘yan, sa My Husband’s Lover lang ‘yan. Pero in real life, lalaki po ako, lalaking-lalaki!” natatawang kuwento niya. Maraming pumupuri sa acting niya at nadadala at nag-iisip na baka nga bading na siya. Ano ang masasabi ni Kevin dito? Sagot niya, “Natutuwa ako, kasi pinag-iisipan nila ako ng ganoon. Ibig sabihin, nagustuhan nila yung ginawa ko. “Iba kasi pag naa-appreciate ng mga manonood yung acting mo, mas masarap na magtrabaho nang magtrabaho. “Kaya thankful ako kay Direk Dominc Zapata, kasi lagi niya ako sinasabihan kung anong dapat kong gawin. “Sinasabi niya sa akin kung ganito yung atake doon sa eksena at sa workshop din, natuto ako. “So, lagi nila sinasabi sa akin sa Twitter na effortless. “Pag nababasa ko yun, napapangiti ako, ang sarap sa feeling, kasi alam kong maraming natutuwa sa ginagawa ko. “And ako naman kasi, kahit may mag-question sa gender ko, I know myself at kilala ako ng mga kaibigan at pamilya ko na lalaking-lalaki ako.”   ROLE MODEL. May peg ba siya sa kanyang gay role sa My Husband's Lover? Ayon kay Kevin, “Wala akong ginagaya, kumbaga, parang personal attack lang doon sa role. “I mean, mini-mix ko lahat. "Di ba, sa industry natin, marami tayong nakikita diyan? “Titingnan ko, tapos sinasabi ko sa sarili ko, ‘A, okay ito, sige nga gagawin ko 'to sa eksena.’ “Yung mga words din na naririnig ko, kung papa'no nila sabihin, yun yung ginagawa ko. "Minsan isina-suggest ko kay Direk, sabi niya, okay naman, natutuwa siya." Pero may girlfriend ba siya ngayon? “Ay, wala, single ako ngayon!” pabaklang sagot ni Kevin. Pero may nililigawan ba siya? “Wala din, single na single. Medyo nagpo-focus muna ako sa work and sa family.” So, walang magkukuwestiyon ng gender niya? “Oo, walang magkukuwestiyon!” tawa niya. Dahil positibo ang pagtanggap ng mga manonood sa pagganap niya bilang bading, is he willing to do another gay role? Tugon ni Kevin, “Actually, hindi lang naman ito yung first time na ito ang ginawa kong gay role. “Sa akin naman kasi, wala namang problema dahil project pa rin naman ‘yan. “And besides, pumapel nang pumapel man akong bading, kilala ko naman ang sarili ko. “Bahala na silang mag-isip. Basta ako, gagawin ko lang nang tama ang trabaho ko at nakakapagpasaya ako ng tao sa ginagawa ko." Pabor ba siya sa ganoong klaseng relasyon na nangyayari sa My Husband’s Lover? Sabi ni Kevin, “Sa experience ko kasi sa My Husband’s Lover, parang nakukuha ko yung mga advice na nasa loobin ng mga gays, e. “So kung may mangyayaring ganoong situation, especially sa kaibigan ko, ina-advise ko rin sa kanya kung ano yung naranasan ko sa show namin. “O kaya, papapanoorin ko siya ng show namin para marami siyang makuhang information.”   INDECENT PROPOSAL. Nakatanggap na ba ng indecent proposal si Kevin mula sa mga bading? “Wala pa naman ngayon,” sagot niya. Pero if ever magkaroon, papano niya iha-handle? “Siguro, dadaanin ko na lang sa maayos na pakikipag-usap. “Sasabihin ko hindi ako ganoon, sasabihin ko, 'Sorry, hindi ako ganoon.' “Tsaka hindi ko pa nararanasan yung mga ganoon, so wala talaga akong idea. “Siguro, pag meron na at nandiyan na, may masasabi na ako. “Pero if ever na magkaroon ako ng ganoong proposal, tatanggihan ko. “I mean, di ba, parang hindi naman dapat? Tsaka hindi ako ganoong klaseng tao. “Na kahit na malaki yung io-offer sa akin, mas maganda yung paghihirapan ko na lang para magkaroon ako ng mga bagay na gusto. “Tsaka, makakasama sa image ko at makasira pa sa akin kapag nag- entertain ako ng ganyan.”   HAPPY ENDING. Siya ba as Danny, pabor ba siya na sina Lally (Carla Abellana) at Vincent (Tom Rodriguez) ang magkatuluyan sa huli? “As Danny kasi, mas gusto kong magkatuluyan sina Vincent at Eric, kasi bading ako, so favor ako doon. “Pero as Kevin, siyempre mas gusto kong mas magkatuluyan sina Lally at Vincent, kasi siyempre, mas gusto ko family. “Kumbaga, happy ending, happy family,” sabi ni Kevin. -- John Fontanilla, PEP