Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Roxanne Barcelo advices First Time youngsters to study hard


Kailan lang pumasok ang character ni Roxanne Barcelo sa First Time dahil tinapos niya muna ang mga eksena sa isa pang soap. Natutuwa naman daw siya na lately, nagdidire-diretso ang mga projects na ginagawa niya sa Kapuso network. "Nakaka-week four na rin ako sa First Time. Okey naman, new group at meron din naman na mga kilala ko na before. Si Michelle Madrigal, ngayon ko lang siya naka-work talaga, pero si Joross Gamboa, nakakasama ko siya before sa ABS-CBN." Natatawa niyang kuwento, "Tapos si Ate Mel Kimura, teacher ko siya noon sa Click, pero ngayon, co-teacher ko na siya. Nakakatuwa rin, at least may work beyond everything, yun lang din ang pinasasalamatan ko. At saka, okey ang mga tao sa First Time. Accommodating naman sila, matatalino, masarap silang ka-work." OFF-CAM BIG SIS. Youth-oriented din daw ang naging first show niya sa GMA-7 kaya kahit paano, nakaka-relate siya sa mga bagets ng First Time. "Sobra! Kaya nga minsan, kahit hindi nila itinatanong, sila Joshua [Dionisio], Barbie [Forteza], Jhake [Vargas], Bea [Binene], sinasabi ko, 'O, mag-aral kayong mabuti.' Kasi siyempre, when you're in the middle of everything, sikat ka and all, makakalimutan mo rin talaga kung ano pa ang importanteng bagay. "Like si Bea, siya ang nakakausap ko nang madalas since sa News and Current affairs din siya before. Kahit maliliit na bagay lang, pasundot-sundot na, 'O, yung hair mo, huwag kang masyadong magpaplantsa kasi bata ka pa. O, yung school naman.' But I don't pressure myself na maging ate kasi, mas maraming ate around here." "And happy rin ako for everyone kasi part ako ng show na ito. Ngayon lang ako bumalik sa soap opera, Darna, tapos ito. And in fairness kay God, lahat naman ng ibinibigay niya sa akin, bumobongga. So, prayers lang talaga para hindi mawalan ng work." FACULTY LOVE TRIANGLE. Silang tatlo nina Joross at Michelle naman ang triangle sa First Time bilang mga faculty sa series. Kumusta naman? "Masaya. Minsan nga kasi si Joross, makulit talaga, patawa. Kaya minsan, humihirit ako na, 'O, hindi ako yung isang Roxanne [Guinoo, Joross' ex-girlfriend] sa kabila!'" natatawa niyang sabi. Mass communication graduate si Roxanne sa Mirriam College kaya pabor rin sa kanya na nalilinya siya sa news ang current affairs ng GMA-7, although mas pa sa mga pambatang shows ang ginagawa niya. Kuwento niya siya raw ang papalit kay Pia Arcangel para sa Art Angel na show. "Magsisimula na siya. Si Ate Pia kasi, ipo-promote na siya sa news. Nai-suggest nila ako since sila rin ang mga naka-work ko sa Batang Bibo. Masaya naman kasi musical ang gagawin nila ngayon, lalagyan ng singing. At least, makakanta ulit ako sa TV," nakangiti niyang sabi. MOTHER SUFFERS STROKE. Blessing para kay Roxanne ang pagtuloy-tuloy ng mga work niya ngayon sa GMA-7. Lingid sa kaalaman ng iba, isa rin pala ang pamilya ni Roxanne sa grabeng tinamaan ng bagyong Ondoy noong Setyembre 2009. Sa mismong tabing-ilog sa Marikina sila nakatira at buong ibaba raw ng bahay nila, kunsaan nandun halos lahat ng gamit nila, ay pawang nabaha at halos wala na raw napakinabagan. Ang feeling ni Roxanne, posibleng naapektuhan ang mommy niya sa nangyari at nalaman namin sa kanya na nai-stroke ito ilang linggo pa lang ang nakalilipas. Kaya malaking bagay raw na may trabaho at pinagkukuhanan siya ng income ngayon. In spite of everything, positive pa rin si Roxanne sa mga bagay-bagay. Sa kanyang personal life, hindi nito ikinaila na masaya daw ang lovelife niya. "Non-showbiz naman, which I think mas okey na magkaiba kayo ng work. Magka-age lang kami and college pa lang, magkakilala na kami. Siguro eight years na rin kaming friends, nagkikita kami sa church. "E, may time na siguro two years na ayokong mag-boyfriend. Ine-enjoy ko talaga. Hanggang sa biglang magparamdam. So, one year na rin kami." Entrepreneur raw ito, pero wala pa naman daw silang plano to settle down. "At saka parang nadala na rin akong mag-plan sa buhay ko. Kasi, the more you plan, the more na parang naiiba siya. So, ayoko na. Go with the flow and I just do my best kahit na anong dumating. "Basta happy lang ako. Happy sa lovelife, happy sa career and happy sa family, okey na ako," nakangiti niyang pahayag. - Rose Garcia, PEP