Kris Bernal shares body-positive message: ‘Embrace your imperfections’
“Confidently beautiful” ang Kapuso actress at “Impostora” star na si Kris Bernal sa kaniyang beach vacation sa Langkawi, Malaysia kamakailan lamang.
Ibinida ni Kris sa kaniyang Instagram posts ang kaniyang magandang pangangatawan, at muling nagbahagi ng body-positive message para sa mga tagahanga niya.
Aniya, “Embrace your imperfections. Own it. Live with it.”
“And I won't let you dictate and control my life. Living a life of a grown up and an independent woman!” dagdag pa niya.
Nagpaabot rin ng mensahe si Kris para sa lahat ng mga patuloy na bumabatikos sa kaniya dahil sa kaniyang katawan.
Ayon sa aktres, “If you don't like what you're seeing, just unfollow. I am perfectly fine. I am perfectly healthy. Stop leaving nasty comments. Stop being rude for a while.”
READ: Kris Bernal has a message for bashers who call her 'bulimic, anorexic'
Silipin ang masayang bakasyon ni Kris sa Malaysia nitong Holy Week break:
— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News