Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

‘Princess Sarah’ Camille Prats, nagluto ng patatas sa ‘Sarap Diva’


Hindi raw lingid sa kaalaman ng Kapuso actress at “Mars” host na si Camille Prats ang mga “Patatas Memes” na nagkalat sa social media dahil sa hit TV series na “Sarah, Ang Munting Prinsesa.”

Matatandaang sumikat ang 1985 Japanese anime series sa Pilipinas noon bago bumida si Camille bilang Princess Sarah sa live-action film adaptation nito noong 1995.

“Nakikita ko kasi may nagpapakita sa akin. May isa pa ngang friend si Ate Suzy na nakiusap kung puwede siyang pumunta sa taping at magpa-picture sa akin na may hawak na patatas,” kuwento niya sa “Sarap Diva” noong Sabado.

 

Pagpapatuloy niya, “Noong time na ‘yun, hindi ko pa gets. Ang sabi nila sa akin, ‘Kasi daw, si Princess Sarah, nagbabalat ng patatas.’ In fairness, sa movie, hindi naman ako pinagbalat ng patatas.”

?Bilang paggunita sa kaniyang iconic role, nagluto si Camille ng isang patatas dish—ang Potato Cakes with Marinara Sauce.

Bago magsimula sa pagluluto, pabirong sabi ng host-actress, “Pakikinabangan ko na ang mga patatas na binalatan ko!” — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News