‘The Triplets’ Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner ecstatic about reunion project
Matapos ang higit sa 30 taon, muling magsasama-sama sa iisang proyekto sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner, na nakilala noon sa “That's Entertainment” bilang mga miyembro ng singing group na “The Triplets.”
Kabilang ang tatlong batikang aktres sa mga bibida sa inaabangang Kapuso Primetime series na “Meant To Be,” kung saan bibida sina Barbie Forteza, Ivan Dorschner, Addy Raj kasama sina Jak Roberto at Ken Chan.
Tulad ng kanilang mga tagahanga, nasasabik na rin ang tatlo sa kanilang pinakabagong proyekto, na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon.
"Sa social media, they are really looking forward to watching us,” kuwento ni Manilyn.
Dagdag ni Tina, "I was just hoping and praying na sana one day 'yung Triplets mabuo. Thank you to GMA for this opportunity.”
Pangako ng “The Triplets,” muling mamahalin at kagigiliwan ng mga manonood ang kanilang trio sa “Meant To Be,” lalo na't napanatili nilang matatag ang kanilang pagkakaibigan sa loob ng ilang dekada.
Ayon kay Sheryl, na sandaling namahinga sa showbiz noon tulad ni Tina, “Hindi pa rin naputol 'yung friendship namin. And your friends will always remain friends lalo na kapag nasa loob ng puso niyo ang bawat isa.”
A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on
Sa kani-kanilang Instagram accounts, napa-throwback pa ang magkakaibigan upang ipagdiwang ang kanilang reunion project.
Ipinaalala pa nga ni Sheryl ang ilan sa kanilang hit songs sa pamamagitan ng nakakatuwang hashtag na “#SayangNaSayangangTamisNgUnangHalikniMrDreamboy.”
#TheTriplet #TinaSherylManilyn #MeantToBe #KapusoPrimeTime #GMA7January2016
A photo posted by Sheryl Sonora Cruz (@papel2012) on
Kasama ng "The Triplets" na bibida sa "Meant To Be" ang isa pang '80s star na si Keempee de Leon, pati na sina Gloria Romero, Keempee de Leon, Sef Cadayona, Mika dela Cruz, Stephanie Sol, at Zymic Jaranilla.
Kabilang ang "Meant To Be" sa mga aabangang Kapuso teleserye para sa susunod na taon.
Kasama rin sa 2017 drama offerings ng GMA Network ang "Destined To Be Yours" nina Alden Richards at Maine Mendoza, at ang Pinoy version ng hit Koreanovela na "My Love From The Star" nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News