Rosanna Roces marries lesbian partner Blessy Arias for the second time
Kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day nitong Sabado, December 10, ikinasal muli ang kilalang host-actress na si Rosanna Roces at ang kaniyang lesbian partner na si Blessy Arias.
Ipinagdiwang ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang Christian ceremony na pinangunahan ni Reverend Cresencio Agbayani ng LGBTs Christian Church, at sinundan ng isang intimate reception party.
Tinagurian ng kanilang mga kaibigan ang naganap na kasal bilang “LGBT Wedding of the Year” at isang “milestone for the LGBT Christian community.”
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagpakasal ang dalawa, kasunod ng isang simpleng seremonya nitong nakaraang Setyembre sa Canada, kung saan kinikilala ang same-sex marriage.
Kabilang sa mga dumalo sa selebrasyon sina Superstar Nora Aunor, Direk Adolf Aliz, Jr., Butch Francisco, Darla Ramirez, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News