Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

BB Gandanghari bids goodbye to ‘soulmate’ Rustom Padilla


Kasabay ng katuparan ng kaniyang pangarap na mapalitan na ang kasarian niya bilang isang babae sa mga legal na dokumento sa Amerika, ipinasilip rin ni Binibini Gandanghari ang naging pagkakaiba mula nang ihayag niya ang tunay na kasarian.

Nitong nakaraang linggo, inaprubahan na ng korte sa California ang kaniyang petisyon ni BB na kilalanin ng estado ang kaniyang tunay  na kasarian.

Sa kaniyang Instagram post matapos matanggap ang magandang balita, sinabi ng dating aktor, “On November 16, 2016, the superior court of Orange County has decreed, set in stone if I may say so, that BINIBINI GANDANGHARI, a resident of the United States of America is LEGALLY and OFFICIALLY Female.”

“Praise be to my GOD whose guidance I have sought and still seeking as I go through my transition. GOODBYE RUSTOM, my former self and my soulmate. You may rest now. And HELLO BB. Welcome to the world! May my GOD bless this soul... life! Cheers!!!”

Ikinabit niya rin sa pahayag na ito ang hashtag na “Adam to Eve.”

 

A photo posted by gandangharibb (@gandangharibb) on

 

Dinagsa naman ng pagbati si BB sa kaniyang social media accounts mula nang isapubliko niya ang balitang ito.

Matatandaang taong 2006 nang aminin ni Rustom sa isang programa, "I am gay."

Pagkaraan ng tatlong taon, bumalik sa Pilipinas ang aktor mula sa Amerika at idineklarang wala na si Rustom at ipinakilala na niya ang sarili bilang si BB Gandanghari, isang transgender na babae.

Nitong nagdaang Agosto naman nang ibalita niya ang ginawang paghahain ng petisyon sa California court para magpapalit ng kasarian bilang isang babae sa mga legal na dokumento.

Aniya sa naunang pahayag, “I thought this day would never come. I thank my GOD and my LORD for making these things happen. Everything makes sense now! And to this great country the United States of America for providing this #basicrhumanright... Thank you!!!” — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News