WATCH: Alden Richards, Maine Mendoza's new TVC is a throwback to their first 'meeting'
Nagbalik-tanaw ang phenomenal Kalyeserye stars na sina Maine Mendoza at Alden Richards sa unang beses nilang nagkita sa "Eat Bulaga!" para sa pinakabagong commercial ng isang sikat na fastfood chain.
Muling isinuot ni Maine ang kaniyang costume bilang Yaya Dub noong July 16, 2015, at suot rin ni Alden ang polo shirt na gamit niya noong una siyang nasilayan ng dalaga.
Sa nakakakilig na commercial, binalikan rin nila ang ilan sa mga tagpo mula sa shooting ng kanilang pelikulang "Imagine You & Me" sa Italy.
Gamit ang mga salitang Italyano, sinabi ni Alden kay Maine na "Nag-enjoy ako sa Italy kasama ka."
Sagot naman ni Maine sa pamamagitan ng fan sign, "I.T.A.L.Y" o "I trust and love you."
Sa loob lamang ng isang oras, umani na ng higit sa 12,000 likes at reactions ang pinakabagong commercial ng AlDub.
Sa darating na July 13, mapapanood naman sa buong Pilipinas at sa ilan pang bansa ang "Imagine You & Me," ang kauna-unahang solo movie nina Alden at Maine na magsisilbing isa sa mga regalo nila sa AlDub Nation kasabay ng pagdiriwang ng kanilang first anniversary bilang on-screen couple. — VVP, GMA News