Engaged na nga ba si Sam YG?
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang post ng radio jock na si DJ Tony Toni patungkol sa engagement ng radio at TV personality na si Sam YG at ng TV and events host at multimedia artist na si Joyce Pring.
Ayon kay DJ Tony, “In 2016, the Philippines has a new President and a VP! But most importantly, I'd like to congratulate @_samyg and @joycepring for finally making their relationship official on Facebook!! It ain't official until you announce it on FB!!”
“You both deserve each other. Don't forget to put (a ring) on the left hand!!! Never would I have dreamt that you'd propose this quickly but, as they say: When you know, you just know!! Yes, I will host your wedding!!! #engagement #triptoforever #bestfriends #neverholdback #sampring,” dagdag pa niya.
Maraming netizens ang nagulat dahil parehong naging pribado ang dalawa sa kani-kanilang mga personal na buhay.
Sa kasalukuyan, viral na sa social media ang nasabing post ng radio jock, at mayroon na ring halos 2,200 likes at higit sa 240 comments sa Instagram ang orihinal na post mula nitong Sabado.
A photo posted by Broadcaster|Presenter|Bachelor (@djtonytoni) on
Hindi pa kinukumpirma ng dalawa ang nasabing balita, ngunit nitong Lunes nga ay nagpahayag ng kaniyang reaksiyon si Sam nang magsilbi siyang host sa noontime show na “Eat Bulaga!”
“Balita ko may chismis na kumakalat... Nagwa-wild na ba kayo? Kami rin nasa wild... literal! Happy Monday, guys! Sana mag-guest si @joycepring sa @boysnightout899 tomorrow para masagot ang mga tanong. #ExploringWithSampring #Palawow #Brrr #BakitKaGanyan #SamPring,” pahayag ni Sam.
Magkasama ngayong nagbabakasyon ang dalawa sa Palawan.
Sa kasalukuyan, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Joyce hinggil sa balita.
A photo posted by Sam YG (@_samyg) on
— RSJ, GMA News