Nitong Lunes ay nagsimula nang mapanood ang pinaka-aabangang bagong family drama ng GMA 7, ang Munting Heredera. Ito ay istorya ng isang lola na hinahanap ang kanyang tunay na heredera na nawala dahil sa isang trahedya sa kanilang pamilya. The cast is headlined by one of the most highly-acclaimed actresses in our country, ang original Queen of Philippine Movies – si Ms. Gloria Romero. How does she feel about her very first project as a Kapuso?

“Very excited, kasi nung nabasa ko yung storyline when I was given the script, sabi ko,'Wow, magandang-maganda ang unang paglabas ko dito. May iyakan, may katatawanan, this is very dramatic and it’s a wonderful, wonderful story, magandang script. At saka ang maganda dito, everybody is given equal sharing ng story, hindi yung isa lang," kwento ng batikang aktres. How does she feel about being a Kapuso? “Alam mo, napakabait nila. Noong una, siyempre medyo ninenerbyos ako kasi siyempre it will be the first time, in say, 23 years...pero ngayon Kapuso na rin ako," Ms Gloria said. “I feel so good about it. Napakaganda ng pag-welcome nila, very warm. So hindi ako masyadong nanibago nung nakita ko na lahat sila nandyan to please me, to make me happy. And then nung nalaman ko na si Direk Maryo delos Reyes ang aking magiging direktor, lalo akong masaya because I just made
Magnifico with him and
Kamoteng Kahoy." Paano nga ba siyang nakapag-decide na maging Kapuso? “A few years ago, I was also [asked], and I keep on saying ‘Next time, next time’, and finally when I made the decision, of course I had blessings naman dun sa aking home studio, yung home network, and binigyan naman ako ng 'yes' signal, and I said it will be 7. Finally." Abangan si Ms Gloria sa
Munting Heredera gabi-gabi dito lamang sa GMA 7. -
Karen de Castro, iGMA.tv