Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former model-actor Leo Rabago dies of colon cancer


Leo Rabago, one of the most popular male sexy stars in the late '80s and early '90s passed away earlier tonight, February 10, due to colon cancer. He was 48. - - chuvaness.livejournal.com
Pumanaw na ang dating model-actor na si Leocel "Leo" Rabago dahil sa sakit na colon cancer. Si Leo ay pumanaw sa edad na 48. Namatay bandang 7:30 ng gabi nitong Huwebes, February 10, si Leo sa charity ward ng Eulogio "Amang" Rodriguez Medical Center sa Marikina City. Ayon sa pinsan ni Leo na si Liza Mercado, acute amobeasis ang unang alam ni Leo tungkol sa karamdaman nito. Na-confine si Leo sa ICU ng Rodriguez Medical Center at nitong Miyerkules, (February 9), lamang siya inilipat sa charity ward ng ospital. Kaharap ni Leo ang kanyang panganay na anak na babae nang bawian siya ng buhay. Plano ng naulilang pamilya ni Leo na iburol ng dalawang araw ang kanyang mga labi bago i-cremate. Bukod sa colon cancer, dinamdam nang husto ni Leo ang pagpanaw ng kanyang nanay na si Froilanda Rabago na namatay noong November 2010 dahil sa aneurysm. Nang pumanaw ang kanyang ina, nagsalita raw si Leo na gusto na rin niyang sumunod sa kanyang magulang. Nagbilin din si Leo na kung sakaling mamatay ito, gusto niya na i-cremate din siya gaya ng kanyang ina. Tumanggi ang mga naulila ni Leo na makunan ang kanyang burol dahil kabilang daw sa bilin ng actor-model ang isang pribadong lamay. Nagsimula ang modeling career ni Leo nang ma-discover siya noong early '80s sa Skatetown, ang dating popular skating rink sa Ali Mall Cubao. Si Leo ang kauna-unahang winner ng Bodyshots, isang modeling contest noong 1986. Naging resident print ad model si Leo ng SM at siya ang itinuturing noon na pinakasikat at in demand na male model. Sinubukan din ni Leo na pasukin ang showbiz. Mahigit sa labinlimang pelikula, na ang karamihan ay sexy films, ang kanyang ginawa at naging talent siya noon ng talent manager na si Leo Dominguez. Ilan sa mga pelikulang nilabasan ni Leo ay ang mga sumusunod: Lakas at Pag-ibig, Alipin ng Tukso, Kamay ni Eva, Shirley, Campus Scandal, Hapdi ng Tag-init, Wating, Ayoko Na Sanang Magmahal, at Pangarap ng Puso. Noong July 2000 ay naaresto at nakulong si Leo dahil sa kasong frustrated homicide pagkatapos niyang saksakin ang live-in partner ng kanyang kapatid na babae. - Jojo Gabinete, PEP