Ipinanganak bilang Beethoven del Valle Bunagan, kilala na ngayon ang Kapusong si Michael V. bilang isa sa mga comedy genius ng bansa.
Bago maging Kapuso, nagtrabaho muna siya sa kabilang network. Pero taong 1995 nang ipalabas ang Bubble Gang, kung saan nakasama ni Michael V. sa cast sina Ogie Alcasid, Eric Fructuoso, Sunshine Cruz, Ara Mina at Assunta De Rossi. Ngayon, ito na ang longest-running gag show sa Pilipinas.
Nanalo rin si Michael V. ng "Best Comedy Performance by an Actor" sa Asian TV Awards noong 2004, 2005 at 2006, at itinanghal bilang "Song of the Year" ng Awit Awards ang kaniyang sikat na single na "Sinaktan Mo Ang Puso Ko."
Ini-launch ni Michael V. nitong 2018 ang kaniyang YouTube channel na "Michael V. #BitoyStory" na nagkaroon ng mahigit 200,000 subscribers.
Balikan ang naging makulay na career ni Michael V. sa showbiz sa video na ito.
— Jamil Santos/MDM, GMA News