Nagsalita na at sinagot ni Mark Anthony Fernandez ang lumabas na mga intriga na may dalawang jail o police officer siyang nabuntis habang nakakulong sa Pampanga Provincial Jail.

"Fake news po yun," tanggi agad ng aktor sa ulat ni Jojo Gabinete sa PEP.ph nitong Huwebes.

Sinabi pa ni Mark na si Claudine Barretto ang nagbanggit sa kaniya nang lumabas ang naturang intriga.

"Actually, si Miss Clau [Claudine Barretto] ang nagbanggit sa akin na, 'Uy, nasa news ka. I-check mo.'

“Wala po talagang nangyari. Hindi totoo.

"Nagawan lang ng isyu, nagawan lang ng kuwento," patuloy niya

Nakausap ng PEP.ph si Mark pagkatapos ng contract signing niya sa Viva Artists Agency, sa Viva office ngayong Huwebes.

Sinabi rin ni Mark na "lowest moment" ng kaniyang buhay ang pagkakapiit sa Pampanga Provincial Jail na tumagal ng mahigit isang taon dahil sa asunto ng pag-iingat umano ng marijuana.

Nakalaya si Mark noong December 22, 2017 matapos ibasura ng korte ang reklamo laban sa aktor.

"Naluha ako, tapos nagdasal muna ako," kuwento niya sa kaniyang naramdaman nang makalaya.

"Nagyakapan kami ng lawyer ko, si Attorney Sylvia Flores, tapos nagpaalam ako sa inmates ko."

Pinagsisihan daw niya nang husto ang nangyari at walang araw na hindi siya malungkot sa 15 buwang pagkakakulong.

Sinabi ng aktor na may natutunan at pinatatag din siya sa kaniyang naging karanasan.

"Yung buong kontrobersiya, yung buong nangyari sa akin, pinagsisihan ko.
"Mas mag-iingat na ako kapag lumalakad," saad niya. -- For the full story, visit PEP.ph