Masayang ibinahagi ni Karen delos Reyes ang mga unang sulyap sa kaniyang baby boy na isinilang noong Oktubre 22, 2017.

Sa Instagram nitong Huwebes, nagpost si Karen ng pasasalamat sa "wonderful blessing" na natanggap niya, at nanalanging mapalaki niya nang maayos ang kaniyang anak.

"Lord, thank you so much for this wonderful blessing. Help me raise this child, mold his mind and nurture his body. Help me see the special gifts you have given him and help me nurture them."

"Thank you Lord for your grace and love. Please give us inner strength, patience and peace for the journey ahead," pagpapatuloy pa ni Karen.

 

 

Sa isa pang post, nagpasalamat din si Karen sa birthday dinner at baby shower na inorganisa ng mga kaibigan para sa kaniya, kasama na rito ang aktres na si Alessandra De Rossi.

 

 

Sumikat si Karen nang lumabas sa isang McDonald's commercial kung saan nakakalimutan ng lolo ang pangalan niyang "Karen" at "Gina" ang nababanggit sa halip.

Lumabas si Karen sa mga GMA shows tulad ng "Dear Uge," "The Millionaire's Wife," "My Destiny," at nag-special participation din sa "Karelasyon." -- FRJ, GMA News