Stable na ang kalagayan ng aktres na si Isabel Granada, bagama't nananatili pa rin siyang comatose, ayon sa kaibigan nitong si Chuckie Dreyfus.
Sa ulat sa "News To Go" nitong Huwebes, sinabi ni Chuckie na hindi niya raw inakala na mangyayari ito kay Isabel, lalo't aktibo raw ang aktres.
"As you can see, she's very health-conscious. Mas nakakabahala na nangyari sa isang taong katulad nito na napaka-conscious sa kanyang sa kalusugan ang ganitong klaseng sakit."
Hinimok naman ni Chuckie na itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalagayan ng aktres.
Pahayag ni Chuckie sa kanyang Facebook post:
Nauna rito, humingi ng panalangin si Chuckie para sa mabilisang paggaling ng aktres.
Dating ka-love team ni Chuckie si Isabel, at nagkasama pa sila sa "Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown" noong 2011.
Nitong Martes, bumagsak si Isabel dahil sa brain hemorrhage o pagdurugo sa utak habang nasa isang event sa Doha, Qatar.
Isinugod si Isabel sa ICU ng Heart Hospital Hamad Medical Corporation.
"She suffered from a brain hemorrhage which indicates aneurysm and in turn affected her heart. She collapsed suddenly without warning yesterday afternoon and is still not responding," pahayag ng kanyang asawang si Arnel Cowley.
Humiling ng dasal ang iba pang celebrity para sa paggaling ni Isabel.
Sa isang ulat ni Arniel Serato sa PEP.ph nitong Huwebes, sinabi ng pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera, na unconscious pa rin ang aktres pero maayos naman ang kaniyang vital signs.
“Isabel remains in the same unconscious state though her vital signs are good.
“Visitors to the Surgical ICU unit have now been restricted, and only her husband Arnel Cowley is allowed to see her as numerous ongoing tests for her positive response are ongoing.
“Our family remains thankful for all the support and we request all of our friends and relatives to continue praying for her swift and fast recovery,” ayon kay Joseph, na nakabase sa Qatar, at siya raw tagapangulo ng organisasyong nag-imbita kay Isabel para sa Philippine Trade and Tourism Conference, na ginanap sa Doha.
Sinabi rin ni Joseph na nagpaabot na rin daw ng suporta sa Filipino-Spanish actress ang Philippine Embassy at Spanish Embassy officials sa Qatar. —LBG/FRJ, GMA News