Sharon Cuneta denies husband Kiko has illicit affair with Risa Hontiveros
Pinag-usapan ng marami ang biglaang paglipad ni Megastar Sharon Cuneta papuntang ibang bansa kamakailan lamang dahil umano sa “too much pain and fatigue” na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang linggo.
Kasabay ng desisyon niyang umalis ang pagkalat ng mga larawan kung saan makikitang magkahawak ng kamay ang kaniyang asawang si Kiko Pangilinan at si Sen. Risa Hontiveros.
Dahil dito, marami ngayon ang nagtatanong kung may problema bang pinagdaraanan ang mag-asawa dahil sa isang third party.
Paglilinaw ni Sharon sa isang Facebook post nitong Sabado, hindi raw totoo ang bali-balitang nakitang magkahawak ng kamay ang kaniyang asawa at ang senadora, at hindi rin daw ito ang dahilan ng kaniyang panandaliang pag-alis sa Pilipinas.
“Kung anuman ang pinagdadaanan ko/namin ngayon, HINDI PO ITO KASALI DOON. There is no truth to the rumours going around that Kiko and Sen. Risa Hontiveros are having an affair (or held hands). Some people are evil. They have nothing better to do than ruin people's lives. Wala bang mas matalino or mas challenging na paraan na hindi naman nakaiinsulto sa utak ng karamihan kung maninira ka rin lang ng kapwa?" aniya.
Ito ang orihinal na larawan na kinuha pagkalabas nina Pangilinan at Hontiveros, kasama si Sen. Franklin Drilon, pagkatapos bisitahin si Sen. Leila de Lima sa kulungan sa Camp Crame.
Ayon sa Megastar, "I am indeed going through anything now, IT DOES NOT INVOLVE A THIRD PARTY... Don't worry about me. God made me in my Mommy's tummy to be super strong. I know that. Remember what my Daddy said, 'Iba ang mabait sa tanga.' That sums it all up."
Ayon kay Sharon, nagdesisyon siyang magpahinga sandali mula sa trabaho upang makapag-isip-isip matapos dumaan sa ilang masalimuot na pangyayari ngayong taon, kabilang na ang pagkamatay ng ilang malalapit na tao sa kaniyang buhay at problemang pinansyal.
Nais niya raw munang magpahinga lalo na't pakiramdam niya ay walang makatutulong sa kaniya ngayon.
"Siguro naman may karapatan din ako malungkot at mapagod? I am a human being. I want to rest my mind, body, heart and soul. I am tired of being all things to all people, and I realize no one has really done or been the same for me. I think there are only a few of us who are like that... I have been taken advantage of, used, abused, pushed to my limits," aniya.
Pagtatapos ng batikang singer-actress, "I am tired. More inside than outside. But I am eternally grateful to God for His unbelievable blessings and am trying my best to be a good steward of them. This is me. I am open and I don't care. Take me or leave me. I'd rather show my heart than pretend I don't have one. Thanks so much for your love, support, and encouraging words. Now, please don't worry about me na. I am okay. I always am."
—Bianca Rose Dabu/ALG, GMA News