Filtered By: Showbiz
Showbiz

Si Jak Roberto kaya ang 'Meant To Be' kay Barbie Forteza sa tunay na buhay?


Napapadalas daw ang paglabas ng "Meant To Be" co-stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. At dahil sa kanilang closeness, tanong ng kanilang fans, si Jak na nga kaya ang meant to be kay Barbie?

 

 

KASAL- KAtabing magdaSAL ???? #MTBKapeAtGatas

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, marami umano ang nakakapansin sa closeness nina Barbie at Jak, sa harap at likod ng camera.

Usap-usapan ang Instagram posts ni Barbie na tila 'dating' sila ni Jak.

Sa isang caption pa nga ni Barbie sa post nito, sinabi ng dalaga na hindi na torpe si Jak tulad ng karakter niya sa "Meant To Be" na si Andoy.

Kaya ang tanong ng fans, nagkakamabutihan na nga ba ang dalawa?

Ayon kay Barbie, niyaya lang siya ni Jak na manood ng pelikula.

"Si Jak kasi ang tipo ng taong hindi siya palalabas o yung pala-party. So ang dami niyang hindi pinanood, tatlo ang aming pinanood, nag-movie marathon kami," matatawa niyang kwento.

Pagtatapat pa ni Barbie, hindi lang sa kaniya close si Jak kung hindi maging sa mga magulang niya na love na love raw ang aktor.

Kuwento pa niya, minsan ay nag-aya rin na manood si Jak sa kaniya at sunod naman ay idi-dinner ang kaniyang mommy.

Hanga ang aktres sa pagiging magalang ni Jak, maasikasong co-star at maalalahaning kaibigan.

Pero hindi raw dapat bigyan ng ibang kahulugan ang closeness nila ngayon ni Jak.

"Hindi pa kami papunta sa direksyon na 'yon," patungkol ni Barbie sa relasyon na higit sa pagiging magkaibigan. -- FRJ, GMA News