Is Barbie Forteza ready to do more sexy roles and photo shoots?
Marami ang humanga nang magpa-sexy ang Kapuso young star na si Barbie Forteza para sa hit GMA show na "Meant to Be." Hudyat na nga ba ito na handa na ang aktres para sa mga daring roles?
"Not too much," saad ng magandang aktres nang natungin ni GMA News showbiz reporter na si Lhar Santiago.
"Para [lang] sa 'Meant to Be' (ang bikini scenes), hindi para ituloy-tuloy," dagdag ni Barbie.
Ibinahagi rin ni Barbie kung ano ang kaniyang unang ginawa matapos ang pinag-usapang bikini shots.
"Right after ng eksena, kumain na ako...so wala na po," natatawang pahayag ng aktres.
Nauna niyang sinabi na nag-diet siya mula nang malaman na magkakaroon ng naturang eksena para ihanda ang kaniyang pangangayawan.
Napailing din habang tumatawa ang aktres ng tanungin kung sasabak na siya sa mga sexy photo shoot para sa mga men's magazine kagaya ng FHM.
READ: Future sexiest woman? FHM takes notice of Barbie Forteza's bikini pics
Paliwang ni Barbie, pag-arte pa rin ang pagtutuunan niya ng pansin.
Masaya ang aktres sa mataas na ratings na natatamo ng kanilang programa. -- Aya Tantiangco/FRJ, GMA News