Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dabarkads Love Stories: How Ruby met her husband through Eat Bulaga


Bilang bahagi ng “Dabarkads' Amazing True Love Stories,” ang Valentine special ng “Eat Bulaga!” ngayong taon, ibinahagi ng Kapuso host-actress na si Ruby Rodriguez ang love story nila ng kaniyang asawang si Mark Aquino.

Ginamit niya ang katagang “odd couple” upang ilarawan ang kuwento ng kanilang pag-ibig, lalo na't hindi raw niya inaasahang sila ang magkakatuluyan.

 

 

A photo posted by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby) on

 

Kuwento ni Ruby, nagkakilala sila ng kaniyang mister sa set ng longest-running noontime show.

“He just arrived from the U.S. Kinuha siya to assist kasi magaling talaga siya... Doon ko siya nakita. Naguwapuhan ako sa kanya, tapos—malay ko ba! Ang gaganda ng mga kasama ko, pero (ako pa rin ang napili niya),” ayon sa kilalang TV personality.

Naging tulay raw sa kanilang pag-iibigan si Direk Poochie Rivera, pati na ang mga batikang host at komedyanteng sina Joey de Leon at Vic Sotto, na kasa-kasama ring mag-host ni Ruby sa “Eat Bulaga!”

Aniya, “Niloloko nila ako nina Joey at Vic. Ako na lang daw ang walang boyfriend noong time na ‘yun. Sabi ni Joey sa akin, ‘Uy Ruby, nakita mo na ‘yung writer? Ang pogi!’ Kasi nga ang pogi niya talaga so lahat napansin siya. Tinitignan-tignan lang namin, ‘Onga, ang pogi.’”

Nagpapasalamat si Ruby sa pagiging mabuting asawa ni Mark, at sa pagiging mabuting ama nito sa kanilang dalawang anak na sina Antoinette at Antonio.

Aniya, “(I admire) his willingness to change for the better, his acceptance of fatherhood now—siya ang nagpi-PTA, siya ang active sa projects ng mga bata. Kina-career niya! Lalo na kapag art projects. Hindi na bumabalik sa amin dahil naka-display na sa school.”

Mensahe niya sa asawa, “I'm so proud of the man you are now. I'm so proud that you are with the Lord.”

 

 

A photo posted by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby) on

 

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News