Regine Velasquez joins cast of 'Mulawin vs. Ravena'
Kabilang sa mga inaabangang teleserye ng GMA Network ngayong 2017 ang "Mulawin vs. Ravena," isang telefantasya na hango sa "Mulawin," ang hit Kapuso fantasy series na unang napanood noong 2004.
Ilan lamang sa mga mangunguna sa star-studded cast ng programa sina Dennis Trillo at Miguel Tanfelix, na parehong kabilang sa orihinal na "Mulawin."
READ: Dennis Trillo, naghahanda na para sa seryeng 'Mulawin vs Ravena'
Magbibigay-buhay rin sa telefantasya ang Kapuso singer-host-actress na si Regine Velasquez. Ang "Mulawin vs. Ravena" ang magsisilbing unang full-length telefantasya na pagbibidahan ni Regine.
Tanong ng marami: Ano nga kaya ang magiging papel rito ng Asia's Songbird?
"Isa siyang goddess, mother of nature. She turns into an enchanted bird, at may power rin ang voice niya," ayon sa producer at program manager na si Helen Sese.
Unang beses man ito ni Regine na gumanap sa isang telefantasya, exciteed raw ang Asia's Songbird sa kakaibang role na kaniyang bibigyang-buhay.
Kuwento ni GMA VP for Drama Productions Redgie Magno, "Noong nagbe-brainstorm kami, nae-excite sila sa idea of Regine being a part of the cast. Siyempre, sa fantasy, marami namang puwedeng gawin. Noong dine-develop na nila, ini-imagine na nila na si Regine 'yun (character) kahit hindi pa namin nao-offer."
"Noong dumalaw si Regine, I sounded it off to her before we formally offer the role. Ang una niyang sinabi, 'Anong gagawin ko sa fantasy soap?' Ang sabi ko, 'Mae-excite ka. Maganda. At saka, para may panoorin si Nate. Habang kinukuwento ko 'yung mga napag-usapan, briefly, na-excite na siya. Sabi ko pa nga sa kaniya, 'Ayaw mo, isa lang ang costume mo? Walang masyadong costume change.' Ang sabi niya, 'Ay, ayoko. Gusto ko may change costume ako.' Naramdaman namin na excited talaga siya," dagdag pa niya.
A photo posted by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on
Kasama rin sa "Mulawin vs. Ravena" ang Kapuso loveteams nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, at Derrick Monasterio at Bea Binene.
"Kailangan talaga ng dalawang strong loveteams, at ito talaga ang strong loveteams natin ngayon. It was a natural choice," ayon kay GMA SVP for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable.
Kabilang rin sa star-studded cast ng upcoming Kapuso telefantasya sina Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Wyn Marquez, Kiko Estrada, Roi Vinzon, at marami pang iba. —JST, GMA News