Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Tawad ni Kuya Wil na P100K, ipinagpalit ng kalahok sa kahon


Isang tindera ng kakanin ang napalad na nakapaglaro sa segment na "Pera o Kahon" sa "Wowowin." Pag-amin ng kalahok, madalas siyang mapagkamalang babae kapag naglalako ng paninda dahil sa kaniyang boses, na kahit si Super Tekla ay nabigla.


Nang sumalang na siya sa tawaran para makuha ang "mega jackpot," pinili pa rin ng kalahok ang kahon kahit tinawaran na ito ni Kuya Wil ng P100,000.00. Tama kaya ang kaniyang naging desisyon? Panoorin.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News

Tags: wowowin