Showbiz
BRAND TALK

Sang’gre Amihan at Sang’gre Alena, nasa mundo ng mga tao


Pumunta sa mundo ng mga tao ang mga tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin at Brilyante ng Tubig ng Encantadia—matapos nilang sundan ang mabangong amoy ng Surf Cherry Blossom na tila umabot hanggang sa kanilang mundo!

Sa bagong TV commercial ng Surf , nakitang lumabas ng Encantadia sina Sang’gre Amihan at Sang’gre Alena at dito nila natuklasan, kasama ng maraming nanay, na isang wais na mommy ang gumagamit ng Surf Cherry Blossom sa kanyang mga labada.

Nakausap ng GMA News Online sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia, ang mga Kapuso stars na gumaganap bilang Amihan at Alena sa hit GMA-7 telefantasya Encantadia, habang nasa set ng kanilang commercial. Tinanong namin paano pa nila gagamitin ang kanilang kapangyarihan dito sa mundo ng mga tao.

Ayon kay Kylie, gagamitin din daw ni Amihan ang kapangyarihan niya para sa ikabubuti ng mga tao. “Siguro mas gagamitin ni Amihan ang kapangyarihan niya para sa wind energy,” aniya, “Wag na lang natin gamitin yung oil kasi ayaw kong maubos yung resources ng earth.”

Dagdag pa ni Kylie, “Bibigyan ko rin ang lahat ng malinis na hangin kasi mahalaga ‘yun sa kalusugan ng tao.”

Para naman kay Gabbi, malamang magkakatrabaho sila Alena at Amihan para linisin ang kapaligiran ng mga tao. “I’d give clean water for everyone in the Philippines,” saad ni Gabbi. “Clean water for everyone to drink. And clean rivers—lilinisin ko yung Ilog Pasig.”

Silipin ang ilang behind-the-scenes moments nina Amihan at Alena nang mabighani sila sa bango ng Surf Cherry Blossom:

 
Brand Talk partners with the advertisers of GMA Network to create content valuable to its audience.